Chapter 16 : Truth
Alyssa."Wag na wag mo siyang gagalawin, Kim." Madiing sabi ko mula sa kabilang linya.
"Para saan pa na kinuha ko siya kung hindi ko rin naman siya pahihirapan? Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Valdez."
"Subukan mo lang, Kim. Subukan mo lang at siguraduhin mong hindi ka na muling magpapakita sakin dahil hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka."
"Kumalma ka muna, Valdez. Bakit hindi na lang tayo gumawa ng isang kasunduan ha?"
Hindi ako sumagot, hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na makita at mailigtas ang prinsesa mo. Pupunta ka dito na ikaw lang mag-isa, walang back-up. Alam mong hindi ako nakikipag gaguhan, Valdez. Sundin mo ako, maayos tayo."
Alam kong sasamantalahin niya ang pagkakataon na iyon para makaganti sakin. Alam kong may mga nakahanda na siyang pagpapahirap para saakin.
"Payag ako. Wag mo lang sasaktan si Dennise."
Narinig ko siyang tumawa. "Huli na. Maraming beses na siyang nasaktan dito. Kaya nga kung ako sayo, ngayon na mismo ililigtas ko na siya."
Napapikit ako sa inis. "Pupunta ako dyan sa araw na 'to. Ako lang mag-isa."
"Yun! Mabilis ka naman palang kausap, Valdez. Tandaan mo, kapag nilabag mo ang gusto ko, buhay ni Lazaro ang kapalit. Pumunta ka dito ng mag-isa."
Naputol na ang tawag kaya naman agad akong nilapitan ng mga Agila. Kahit naman ayoko sila madamay dito, kusa silang lumapit saakin para tumulong. Nandito kami ngayon lahat sa mansion.
"Ako lang mag-isa pupunta dun. Basta yung plano. Paki-siguro na magagawa lahat." Sabi ko sa kanila. Pinaghandaan din kasi namin ito, yung mga mangyayari kung papuntahin ako ni Kim dun mag-isa. At bilang marami kaming magagaling na espiya, sila ang magiging senyales kung dapat na ba umatake ang mafia namin sa mga Fajardo.
Payag naman si Sir James sa ginawa kong plano. May tiwala siya sakin na kaya ko ang sarili ko. Bukod dun, may tiwala siya sa mga tauhan namin. Alam niyang hindi sila basta-basta na magpapatinag sa mga Fajardo.
"Ate Ly, ingatan mo sarili mo." Sabi saakin ni Bea.
"Kayo din." Sabi ko.
Hinanda ko na ang sarili ko tapos ay agad na nag-paalam sa mga kaibigan ko at kay Sir James. Ayaw pa sana nila Bea itong plano na naisip ko pero wala naman silang magagawa. Ito ang pinakasafe na paraan sa tingin ko. Gaya ng sinabi ni Kim, ako lang talaga mag-isa ang pupunta, wala din akong dalang armas o kahit ano na pwedeng panlaban sa kanila. Mabuti ng maayos ang usapan kaysa magkaroon pa ng gulo.
Ang kailangan ko lang naman ay mailigtas si Dennise at alisin siya sa lugar na yon. Ang pag-ganti? Ipapaubaya ko na sa kanila. Bahala na. Si Dennise lang ang laman ng isip ko ngayon. Hindi ako papayag na pati siya mawala sakin.
Si Gretchen? Alam kong kaya nun ang sarili niya. Nagpapanggap lang siya na walang magawa o kung ano man para mabantayan ang galaw ng mga tauhan nila Kim. Sa oras ng pag-salakay namin sa kanila, alam ko, mas mauuna pang maka-survive ang lokong yun kaysa sa akin.
Nakarating ako agad sa abandonang building na sinabi saakin ni Kim. Ang dami nilang tauhan na nag-kalat. Sigurado ako na kahit gaano sila kadami, nasa paligid lang espiya ng mga Ho.
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fiksi Penggemar"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...