FS26
Irishana's POV
"Mama masama po ba ang papa ko?" Napatingin ako sa malungkot na anak ko. Hindi ako nakakibo. "Bakit po galit na galit kayo sa kanya? Sinampal niyo pa po siya."
"Halika nga dito anak." Pinaupo ko siya sa lap ko. "Bata ka pa anak. Maraming bagay pa ang hindi mo maiintindihan."
"Pero mama, papa ko po siya. Gusto ko po siyang makasama."
"Hindi pwede anak. May sarili na siyang buhay. May sarili na din tayong buhay. Yung tayong dalawa lang. Tapos kasama si daddy mo Alex at tita Mitch mo."
Can you still remember my bestfriend Mitch? Siya ang taong naging katuwang ko sa lahat. Noong una, sa bahay nila ako panandaliang tumuloy. Tapos ng makahanap ako ng trabaho ay lumipat na ko. Ayoko din namang umasa sa kanya.
Isa pa si Alex, simula ng malaman niya ang nangyari sa amin ni Carl ay hindi na siya umalis sa tabi ko. Kahit na alam niyang hindi ko masusuklian yung pagmamahal na ibinibigay niya ay hindi siya umalis sa tabi kaya nga siya kinilala ni Andrei na daddy. Patuloy pa din siya sa pagsuyo sakin pero hanggang ngayon hindi ko pa din kayang ibigay sa kanya ang puso ko. Lalo na ngayon na nagbalik na si Carl. Kahit na punong-puno ng galit ang puso ko para sa kanya ay pilitpa ding natatakpan ng pagmamahal.
"Pero mama bakit po si Junior, kasama niya ang mama at papa niya? Buo sila. Gusto ko din ng buong pamilya mama." Para namang hinahaplos ang puso ko dahil sa sinabi ng anak ko patungkol sa kalaro niya na kapit-bahay namin.
"Pero may daddy ka naman anak."
"May daddy nga po ako pero hindi siya ang papa ko. Simula ngayon, tito na lang po ang itatawag ko sa kanya. Ayoko pong malungkot si papa kapag narinig niya na may iba akong tinatawag na daddy maliban sa kanya. Mama gusto ko po ng buong pamilya. Ako.. si mama.. at si papa.." Napapunas ako ng luha dahil sa gustong manyari ng anak ko.
Alam ko yung nararamdaman niya. Yung pakiramdaman na sa buo yung pamilya mo. Yung may nanay na nag-aalala sayo.. at tatay na sinasalubong mo gabi-gabi pagkagaling niya sa trabaho.
Gusto ko din namang maranasan ng anak ko yung kumpletong pamilya. Kaya lang hindi ko na ata kayang papasukin pa si Carl sa buhay naming mag-ina.
"Haluuuuuuuuu!" Nagulat ako ng biglang pumasok si Micth. "Ay te biyernes santo lang? Bakit may drama atang ganap dito?"
"Hi tita Mitch." Sinalubong siya ni Andrei ng yakap.
"Anyare sa inaanak ko? Pumapayat ata tayo a." Biro niya pero nanatili lang na nakayuko si Andrei. Napabuntong-hininga na lang ako ng tumingin sakin si Mitch para magtanong sa nangyari.
"Osiya akyat ka na dun sa room dahil nasa labas na ang daddy mo. Maglalaro daw kayo today sabi niya."
"Sige po tita. Aantayin ko na lang po si tito sa taas."
"Tito?" Gulat na tanong ni Mitch pero nagdire-diretso na si Andrei paakyat.
Sasagot pa lang sana ako ng bigla naman ng pumasok si Alex.
"Hi ladies!" Masayang bati niya bago humalik sa pisngi ko."Flowers for the most beautiful lady."
Napangiti ako. "Thank you pero diba sabi ko-"
"Sabi ko naman sayo wag mo na kong dalan ng flowers dahil hindi na magbabago ang isip ko. Alam ko na kaya yang linya na yan. Wala bang bago?" Pagbibiro niya.
"Ewan ko sayo Alex. Sige na. Akyat ka ma dun. Hinihintay ka na ni Alex."
"Okay! May dinner na din pala akong dala. After namin sa isang game, kain na tayo."
"Oo na. Sige na. Akyat na dun at may pag-uusapan pa kami ni beshy!" Pagtataboy ni Mitch sa kanya.
"Ano yan ha? Bakit hindi ako kasali?"
"Girl talk kase. Bakit babae ka ba? Nako. Sinasabi ko na nga ba at bading ka e-"
"Ipapapudpod ko yang labi mo kay Niel!" Pang-aasar niya.
"Leche ka Alex! Akyat na nga dun!" Tumatawa-tawa kaming iniwan ni Alex. "Napakawalanghiya talaga nun. Hmp! Oh ikaw ano naman ang drama mo diyan?"
"Carl is back." Simpleng sagot mo.
"Oh ano naman kung bumalik siya? Wala ma dapat care dun! Unless mahal mo pa." Hindi ako nakakibo. "Naku naman po! Mahal mo pa nga?"
"Alam mo naman ang sagot ko diyan best." Malungkot na sagot ko.
"Nalintikan na. Alam mo Irish, wala naman akong problema kay Carlito mo. Past is past ika nga. Oo alam ko nasaktan ka niya, pero hindi ba matagal na panahon na yun? At isa pa, parehas na kayong may anak. Parehas na kayong magulang and now he's back, hindi ba panahon na ata para buuin yung pamilya niyo?"
"Andito pa din yung sakit best e. Hindi pa din nawawala." Sabi ko sa kanya.
"Ganun din naman yung pagmamahal mo sa kanya diba? Hindi pa din naman nawawala. Ang tanong na lang diyan ay kung ano ang mas matimbang."
Napatitig ako sa kanya. Tama siya. Dapat kong timbangin sa sarili ko kung ano ang mas mahalaga.
"Ganito lang yan best e, kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon, hindi ka magiging masaya dahil nga mahal mo pa at higit sa lahat, maaapektuhan ang inaanak ko. Kung bibigyan mo naman ng chance si Carlito, malaki ang possibility na sumaya ka at ang anak mo. Mabubuo na ang pamilya niyo. Basta kahit na anong maging desisyon mo, andito lang ako para sayo. Huwag kang makikinig sa opinyon ng iba. Dito ka lang makinig." Itinuro niya yung puso ko. "Sasabihin niya sayo kung ano ang tama at mali."
"Thank you best." Yumakap ako sa kanya.
"Ikaw pa ba? Naku. Tama na nga ang drama at kanina pa ko gutom. Walangya kase yung Neil na yun e! May meeting pala hindi sinabi agad, pinahintay ba naman ako ng tatlong oras? Aba! Huwag talaga siyang makahingi-hingi sakin ng kiss bukas. Ikikiskis ko sa pader yung nguso niya! Hmp!"
Nagtawanan na lang kaming dalawa dahil sa mga sinabi niya. Thank you so much Lord for giving me a bestfriend like her.
***
❤❤❤