FS42
Carl's POV
"Sir. Ito na po yung hinihintay niyong files para sa event next week."
"Hay. Thank God. Akala ko hindi na ko makakauwi sa bahay e."
"Masaya ako para sayo Sir. Mukhang nahanap mo na talaga siya. Sana kayo na talaga."
"Ang random mo naman Gina."
"Pasensiya na po. Alam mo namang nasaksihan ko na ang lahat sa kompanyang ito Sir. Kitang-kita ko lahat ng pinagdaanan mo. Lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay mo. At masaya ako na nakikita ko ngayon na masaya ka."
"Ikaw talaga. Para saan ba tong drama na to? Kailangan mo ng bonus?" Pagbibiro ko pa.
"Ito o. Dumating na galing Paris." Inabot niya sakin yung isang box. "Goodluck."
Nakaramdam ako ng kaba ng iabot niya sakin yung box. After 2 1/2 months of waiting, dumating na din.
I slowly open the box and I was mesmerized when I finally saw it on person. Maganda siya sa picture pero mas may igaganda pa pala siya sa personal.
Agad kong pinirmahan lahat ng mga papers na kailangan kong matapos. I'm excited to go home.
Kanina pa ko kinukulit ni Irish na umuwi pero hindi ko siya napagbigyan kase sobrang dami kong ginagawa ngayon sa office pero sigurado akong matutuwa siya sa pasalubong ko mamaya.
You will be my wife soon, Irish..
***
"Boss?" Pumasok ako ng bahay pero ang tahimik sa loob. "Andrei?"
"Andiyan ka na pala iho. Kanina pa kita tinetext at tinatawagan pero hindi ka sumasagot."
"Nasaan po sila Irish?"
"Umalis-"
"Saan nagpunta?"
"Hindi ko din alam. Basta kanina may bumisita sayo dito tapos silang dalawa ang nag-usap. Nagulat na lang ako ng bigla na siyang lumabas bitbit yung mga gamit niya."
Tumakbo ako paakyat ng kwarto namin. Wala talaga lahat ng gamit niya.
"Fvck! What did I do?"
Bakit kung kelan maayos na ang lahat tsaka naman may dadating na problema?
I called my parents to us kung kasama ba nila ang mag-ina ko pero hindi daw.
Where the hell did they go?
"Hello. I want you to find my wife and son. IMMEDIATELY."
"Yes sir. Give me an hour sir."
Napangiti ako ng mapait ng makapa ko yung box na nasa bulsa ko.
Bakit kung kailan akala ko happy ending na, may dadating na namang problema.
Ang tagal kong hinintay si Irish, ngayon pa ba ako susuko?
Bumalik na nga siya sa buhay ko, papakawalan ko pa ulit?
Ang tanga ko na siguro talaga nun. Mahal na mahal ko sila Irish at Andrei kaya hindi ako papayag na mawala ulit sila sa buhay ko.
Sumakay ulit ako ng sasakyan. Kailangan ko silang mahanap kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan uumpisahang maghanap.
Hindi ako susuko boss. I will find both of you.