Irishana.Naghahain na si Carlito ng makapunta ako ng dining area.
"Tara kain na tayo."
"Di ako gutom. Antayin na lang kita." Dumiretso nako sa sofa. Hindi ko siya matitigan sa mata.
Hay. Bakit ba kase niya ko hinalikan? Yan tuloy kinakabahan nako kapag malapit siya sakin. Naging awkward tuloy. Pero alam niyo ba? Parang ramdam ko pa din yung mga labi niya na nakadikit sa labi ko.
"Huy!"
"Ay ang lambot ng labi mo!" Gulantang na sabi ko.
Namilog naman ang mga mata niya. "Talaga?"
"Ha? Ah eh. Ano.. Tara na ba?" Jusko. Nasabi ko ba talaga yun? Nakakahiya!
''Ano yung sinabi mo kanina?" Pag-uulit niya.
"Alin ba dun? Yung nandidiri ako dahil hinalikan mo ko?" Inis na sabi ko.
Bigla naman nagbago yung itsura niya. Parang galit na hindi ko maintindihan. "Pasensiya ka na kanina. Hindi ko naman sinasadya yun. Sinong lalaki ba ang magkakagustong halikan ka?"
"Leche ka!" Tsaka ako tumalikod sa kanya. Nauna na ko palabas. Sumunod na lang siya kung susunod siya.
***
Carl.
"Ugh!'' Badtrip naman! So ano ako lang ang affected sa naganap na kiss namin kanina. Badtrip talaga. Tapos iniwan pa ko dito mag-isa. Mga babae talaga! "Hoy Irishana!"
''ANO?!''
"Hintayin mo nga ako!"
"KALALAKING TAO, ANG BAGAL-BAGAL." Buwisit naman. Ang hirap niyang intindihin. Ako nga ang dapat magalit sa kanya e. Kainis! Sumunod na lang ako sa kanya.
Nakita ko siyang nakasakay na sa elevator. Nagtatakbo nako palapit sa kanya pero ang bruha ngumisi lang at next thing I knew, nakasara na.
Ugh! Bwisit talaga yung babaeng yun tapos ang tagal pa nitong elevator!
Wag na lang kaya akong sumama dun? Ni hindi ko nga alam kung saan lakad namin e. Dapat nga natutulog pa ko ngayon e. Tsaka galit ako dun diba? Dahil dun sa hayop na lalaking kasama niya kagabi.
Teka nga, ano ba kaseng pakialam ko dun sa kasama niya kagabi?
Baka nagagalit ka lang para sa tatay mo. Oo tama. Nagkakaganito ako dahil para sa tatay ko. Niloloko niya kase yung tatay ko na bumubuhay sa kanya ngayon. Sino ba naman ang hindi maiinis dun diba?
Masundan na nga lang! And with that sa fire exit na ko lumabas.
***
Irishana.
Lecheng yun. Ni hindi nga ata susunod sakin! Sayang naman yung pupuntahan namin. Maganda pa naman dun.
Psh. In 5minutes, kapag hindi talaga siya bumaba, ako na lang mag-isa ang aalis.
Umupo muna ko sa lobby para maghintay ng may lumapit sakin na lalaki.
"Excuse me?"
"Yes? Dadaan ka ba? Ang luwag ng daanan o.'' Mataray na sabi ko.
"Aray naman. Barado ako agad? Para magtatanong lang e.''
Umayos ako ng upo. "Sorry. Ano yun?" I asked nicely. Mabait naman talaga ko diba? Badtrip lang talaga ko ngayon.
"Pwede bang paki-check naman tong relo ko?"
"Ha? Bakit? Mukha ba kong taga-ayos ng orasan?" Balik na naman ako sa mataray mode ko.
"Kase huminto yung oras ko ng makita kita."
"TALAGANG HIHINTO YANG ORAS MO KAPAG HINDI MO SIYA NILAYUAN." Galit na galit na sabi ng bagong dating kong condomate. Sino pa ba? Edi si Carlito! "Wag na wag ka ng lalapit sa kanya ha!" Tsaka niya sinuntok bigla si kuya na gwapong nagpipick-up line.
"Hoy! Anong ginawa mo?! Bakit ka na nanununtok diyan?!" Pilit kong nililingon yung lalaking sinuntok niya. "Teka nga! Bitwan mo ko!" Sigaw ko sa kanya. Kanina pa niya ko kinakaladkad e. "NASASAKTAN NA KO." Madiin na sabi ko.
Mukhang natauhan naman na siya. Binitawan na niya ko. "S-sorry.."
"I don't understand! One day you're sweet. The next day naman para kang tigre kung magalit. Tapos ganun na naman. Ano ba talaga?! Hindi na kita maintindihan!"
"Bakit ka ba kase nakikipag-usap dun? Kilala mo ba yun?!"
"Hindi."
"Eh bakit nga?!"
"He was just asking something."
"Asking something ha? Lahat na lang ba ng tao ganun mo ieentertain? He was hitting on you!" He shouted.
"And so what?! Wala naman akong boyfriend so anong masama dun? Why are you acting like a jealous boyfriend?!"
Nagdilim naman ang mukha niya. Bakas ang galit sa mga mukha niya. "I was just protective."
"You don't need to protect me! Kaya ko na ang sarili ko." Matapang na sabi ko.
"No. I need to protect you because you are ny father's gi- I mean friend." He said and left me alone.