FS35
Irishana's POV
"Mama.."
"Hmmm..." Naalimpungatan ako sa pagyugyog sakin ng anak ko. "Baby wag kang malikot please. Nahihilo si mama."
Tumigil naman siya sa pangungulit at umupo sa tabi ko. "Mama wake up please?"
"What time is it?"
"6 po. Sabi mo po mama may liwanag pa pag gising ka pero dilim na sa labas."
Napabalikwas ako ng bangon. Sabi ko kase kanina, iidlip muna ko ng isang oras bago magluto pero malay ko ba namang mapapasarap ng ganito ang tulog ko.
"Sorry. Gutom na ba ang baby ko?"
"Di po. Luto po si papa kanina ng meryenda pero sabi po niya wag muna ikaw gising kase pagod daw po ikaw. Mama ligo ka na po."
"Bakit mabaho na ba si mama?"
"Opo." Walang pangingiming sagot niya.
"Aba't. Ganun ha? Mabaho na si mama?" Sinimulan ko siyang kilitiin.
"Waaaaah- mama! Hahahaha. Hahaha. Ma-hahaha.. ma... haha.. tama na po. Joke lang yun."
"Alam ko. Bango kaya ni mama. Dito ka muna. Ligo lang ako sandali tapos sabay tayo bumaba." Hinalikan ko pa siya sa noo. Natatawa tuloy ako sa istura niya. Pagod na pagod siya.
***
"Mama. Eto po suot mo." May inabot na box sakin si Andrei pagkalabas ko ng shower room.
"Ano yan anak?"
"Damit po." Isang black dress na above the knee ang nasa loob nun.
"Saan naman to galing? Tsaka anak, magluluto lang si mama sa kusina kailangan ganyan pa suot ko?"
"Pili namin yan ni papa, mama. Kaya suotin mo po please?" Nako. Kailan ko ba matitiis tong anak ko?
Kahit pilit na pilit lang ay isinuot ko na nga yung dress. May kasama pa siyang heels at gaya kanina, pinasuot din sakin ni Andrei yun.
"Ang ganda-ganda mo po mama. Tama po si tita Marie, babagay po sayo yung dress."
Napataas naman ang kilay ko. "Sinong tita Marie anak?"
"Siya po yung may-ari ng binilan namin ng dress mo mama."
Parang biglang nag-init yung ulo ko dahil sa narinig. Sino naman kaya yung Marie na yun? Girlfriend ni Carl? Ugh! Kung oo, bakit pa siya nagsabi na mahal niya ko tsaka ang kapal naman ng mukha niya na ipakilala pa talaga sa anak namin yung babae niya!
"Mama. Okay ka lang po?"
Pinilit kong ngumiti sa anak ko kahit na inis na inis na talaga ko. "Oo naman anak. Iniisip ko lang kung na-meet ko na ba yang sinasabi mong tita Marie."
"Mabait po siya mama. Alam mo po bang binigyan niya din po ako ng damit? Para daw po kapag may lakad tayo, may magagamit po ako."
"Talaga?" Ugh. Sino ba talaga yun?
"Opo. Tapos kanina po natapunan po ng juice si papa sa damit kase likot Andrei pero hindi galit tita Marie. Bigay pa po siya damit kay papa."
Mukhang palagay na palagay na yung loob ng anak ko dun sa Marie na yun a. Seriously? Para 5 hours lang akong nakatulog tapos may iba na agad. Nakakainis!
"Anak. Is she pretty?" Hindi ko napigilang itanong. Aba. Siyempre dapat kilala ko ang kalaban ko no.
"Mama-"
"Matagal-tagal din nawalan ng gana..
Pinagmamasdan ang dumadaan..""Mama may kumakanta po."
"Lagi na lang matigas ang loob.. Sabik na may maramdaman.."
"Naririnig ni mama anak. Baka sa kapitbahay lang yun." Naglagay pa ko ng kaunting powder at lisptick para naman mabagay sa suot kong damit.
"Di ka man bago sa paningin.. Palihim kang nasa yakap ko’t lambing.."
"Mama. Parang sa baba lang po natin yun e. Silip mo po mama."
"Sa kapitbahay nga yun anak. Sino namang kakanta diyan sa baba?"
"Sa bawat pagtago.. Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin.."
Kahit ayaw kong sumilip sa veranda ay hinatak pa din ako ng magaling kong anak. Mabuti na lang ay tapos na kong mag-ayos.
"Walang sagot sa tanong.." Nabungaran ko si Carl na kumakanta habang may mga naggigitara sa likuran niya. "Kung bakit ka mahalaga.. Walang papantay sa’yo.." He smiled at me. Jusko! Bakit ba napakagwapo ng nilalang na to?
"Kung may darating man na umaga.. Gusto kita sana muling marinig.." Kinindatan niya ko kaya hindi ko napigilang mangiti. "Ngiti mo lang ang nakikita ko.. Tauhin man ang silid.." Oo na. Impokrita na ko kung sasabihin kong hindi ako kinikilig.
"Walang papantay sa’yo.. Maging sino man sila.." Maging si Marie? Ugh! Ano ba tong iniisip ko? "Ikaw ang araw sa tag-ulan.. At sa maulap kong umaga.."
So is this how he start?
"Walang sagot sa tanong.. Kung bakit ka mahalaga.. Walang papantay sa’yo.. Maging sino man sila.."
I never imagine na may taong haharana sa akin.
***
❤❤❤
