Chapter 12

8.9K 295 22
                                    

Irishiana.

"Antay naman Irish!"

"Hay nako. Dun ka na nga Carlito. Wag mo na kong bwisitin!" Gigil na sabi ko.

"Sabi mo may lakad tayong dalawa." Nakasunod pa din siya sakin. "Tsaka bakit ka diyan papunta? Eh nasa basement yung kotse ko."

"Basta! Ako na lang pala ang may lakad. Hindi ka na kasali!"

"Eh san nga?"

"Ano ba yan Carlito. Napaka-kulit naman e. Maiwan ka na nga dito."

"Ayoko nga! Gigising-gisingin mo ko ng maaga tapos hindi mo nako bigla isasama?"

"Aish. Ang arte naman." Napakamot pa ko sa ulo. "Oo na. Sige na. Tama na ang drama mo diyan. Sama ka na sakin sa perya!"

Sinamaan ko siya ng tingin when he laughed. "What the heck is so funny Mister?"

"The fact na dadalin mo ko sa peryaan ay nakakatawa."

"At bakit? Porket ba mayaman ka pagtatawanan mo na lang yung ganung lugar?"

"No. Hindi sa ganun. It's just that doon talaga tayo pupunta?" Napatitig ako sa damit niya. He's wearing a pants, polo shirt and vans. Hindi nga pang-perya. Tsk. "You know what? I have a better idea. Let's go." Inalalayan na niya ko sa paglalakad papunta sa basement.

"Saan ba tayo?" Nagkabaliktad naman kaming dalawa. Ako naman ang nangungulit.

"I promise you'll enjoy but do me a favor." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi muna tayo magbabangayan o magtatalo. Let's set aside our issues first." Tsaka niya nilahad yung kamay niya.

Kaya ko naman yun diba? Tsaka it's a time for us to enjoy. Inabot ko na din yung kamay niya. "Game Carlito."

***

"Grabe! Akala ko masusuka ka na talaga e. HAHAHAHAHAHA!"

"Makapagsalita naman to. Ikaw nga diyan yung hindi na makatingin sa baba e."

"Wag ako Carlito! Mas matapang ata sayo to." Pagyayabang ko.

Nandito nga pala kami sa Sky Ranch Tagaytay. Grabe ang ganda dito! Nagikot-ikot na din kami at andami na naming picture! Ang saya!

"Matapang daw. Aminin mo na kaseng natakot ka!" Sinundot niya pa ko sa tagiliran.

Kakababa lang kase namin sa ferris wheel at isa lang ang masasabi ko, ANG TAAS! Woooh! Pero ang saya naman kase nakuhanan ko ng picture yung itsura ni Carl kanina. HAHAHAHA. Masuka-suka na talaga siya e!

"Tara zip line na lang tayo para magkaalaman kung sinong takot." Napatingin ako sa tinititigan niya. Hindi ko naiwasang mapalunok. "Oh ano takot ka na agad?" Pang-aasar niya.

"A-ako takot? Ha! Asa ka!" Jusko po. Nanginginig na yung kalamnan ko.

"Talaga hindi ka takot?"

"Hindi! Ako pa."

"Oh yun naman pala e. Tara na't mag-zipline." Hinatak na niya ko paakyat sa stairs na pagzi-ziplinenan. Lord, wag sanang maputol yung tali please. Ang taas nito e!

"Kuya. Magzi-zipline kami."

"1 thousand lang po sir."

"1thousand?! Ang mahal naman! Wag na lang tayo dito!"

"Mahal ba talaga o takot ka lang?" Nginisihan niya pa ko.

Pwede bang both? "M-mahal lang talaga ano ka ba!"

"Don't mind it. My treat okay?" Hindi ko na siya pinigilan. Pera naman niya yun e.

"Pakisuot na lang ho ito pareho." Kinuha namin yung gear na pang-zipline. Para siyang jumper lang tapos itatali na nila dun sa taas. Safety measures. "Pwesto po kayo dito." Dahan-dahan kong inapak yung paa ko sa edge nito. Shems. Nanginginig na lalo yung kalamnan ko! Lord, jusko po wag naman po sanang maputol yung tali ha?

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH/IRISHIANAAA!" Fudge! Dumulas yung paa ko kaya nagtuloy-tuloy na yung andar ko!

"FUDGE! AYOKO NAAAAAAAA!"

"CARLITO KASALANAN MO TO E!"

"NATATAKOT NA KOOOOOO!" Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Don't be. You're safe with me." Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. "Now, I want you to open your eyes." Umiling agad ako.

"I'm scared!"

"Don't you trust me?"

"M-may tiwala ako sayo pero-"

"Prove it." Gosh! Kaya ko ba? Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko. And wow! "See? It's beautiful." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya and he was looking at me! Ako ba yung beautiful? Ha. Ha. Ha. Asa ka pa Irishiana. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa view. Ang ganda naman dito!

"Grabe.. Ang ganda!"

"1, 2, 3, smile!" He said and next thing I know may tumunog ng cam.

"My gosh! Stolen shot? Anong itsura ko diyan?!"

"Edi maganda." Namula naman ako sa sinabi niya.

"Sus. Ako nga wag mong pinaglololoko ha." Pag-iiba ko ng topic. "Tsaka ang lakas naman ng loob mong gumamit ng phone diyan. Paano kung mahulog yan ha?!"

"Edi bibili ng bago." Bored na sagot niya.

"Ayan! Ganyan ang pangangatwiran ng mga mayayaman. Mga walang pagpapahalaga sa mga gamit nila! Hindi man lang minamahal!"

"Sus. Minamahal naman kita a!"

"Ano-" Napahinto ako sa pagsasalita ng magsink-in sakin yung sinabi niya. Naramdaman ko din na nag-init na ang aking pisngi. "A-ano yung sinabi mo?"

"Sabi ko mahal kita." Seryosong sabi niya. Jusko. Bakit ba parang bumagal yung usad namin sa zipline?

"M-mahal mo ko?" Why am I even stammering?! Bakit parang tinatambol yung puso ko?

"Oo. Tinuturing na kitang kaibigan e. Kaya mahal na kita." Sabi niya. Okay. Kaibigan lang pala e. Pero bakit may unting... kirot?

"Oo nga naman. Haha. Siyempre friends na tayo e!"

"Thank you for spending this day with me." He smiled. Bakit ba parang mas nagrambulan yung mga alaga ko sa puso ng ngumiti siya. Ano ba to? "I'm happy." He said as he wrapped his hand around my waist at nagsimulang magpaikot-ikot sa ere.

***

Ayan na! Happy New year guys! :) Sorry po kung late ang update ko dito. Pero ayan po, di ako nag-online hangga't di ko natapos yung update ko. Hihi. Me loves you all! Enjoy po! :)

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon