FS 21
Irishana
"Paging the parent or guardian of a missing little boy who's wearing a maong pants and blue polo shirt, please proceed to the customer service immediately.."
"Ay sorry miss!" Hinging-paumanhin ko sa taong nakabangga ko.
Jusko. Asan na ba yung customer service dito?
"Kuya guard saan po yung customer service dito?" Tanong ko sa nakasalubong kong guard.
"Diretso lang po ma'am. Tapos kanan po kayo sa dulo."
"Okay okay thanks!" Nagtatakbo na ulit ako.
Bakit ba parang ang layo-layo naman!
"Excuse me Miss? Meron bang bata dito na mga 2 years-old lang tapos-"
"MAMA!" Napalingon ako sa boses ng isang bata.
"Andrei! Jusko naman anak! Tinakot mo si mama. Teka nga, bakit ganyan ang itsura mo?" Takang tanong ko. Sa lahat naman ng batang nawawala, siya lang ata ang bukod tanging bata na nakakain pa ng chocolate.
"Pasensiya na po ma'am. Nadumihan po ang anak niyo. Yung may-ari ho kase ng mall ang nakakita sa kanya at bilin po niya na ibigay daw po lahat ng gusto ng bata."
"Naku. Nakakahiya naman. Maraming salamat ha? Nasan nga pala siya? Para makapag-thank you naman ako ng personal." Sabi ko sa mukhang manager.
"Nakaalis na po si Sir. May emergency meeting daw po kase siya pero sasabihin ko na lang po."
"Sige Miss. Maraming salamat ulit ha?"
"Walang anuman po ma'am."
Binuhat ko na ang baby boy ko. "Paalam ka na sa kanya."
"Bye-bye po! Pakisabi po kay tito Carl, thank you po." Napatulala ako sa sinabi niya. Carl? "Mama bakit po?"
"Ha? Ah e wala anak. Tara na." Nagpaalan muna ulit ako sa mga tao doon bago naglakad paalis.
"Mama alam mo po ba ang bait po ng nakakita sakin." Kwento niya.
"Talaga anak? Pero teka, diba bilin ko sayo wag na wag kang lalayo kay mama? Paano na lang kung bad person yung nakakuha sayo? Edi wala ng Andrei si mama. Mag-isa na lang ako. Paano na si mama?"
Ipinulupot niya ang kamay niya sa batok ko. "Sorry po mama. May maganda po kase akong toy na nakita tapos hindi ko po napansin na wala ka na. Sorry mama." Hinalikan niya pa ko sa pisngi.
"Hay nako anak. Kailan ka ba natiis ni mama ha?" Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Pasalamat na lang talaga ko sa may-ari ng mall at nakita ka niya."
"Kay tito Carl mama?"
"T-tito Carl?" Tanong ko.
"Opo. Sabi niya po I can call him tito Carl." Masayang sabi ng anak ko. "Sana siya na lang po ang papa ko."
"Ano ba yang sinasabi mo anak?"
"Magkamukha po kami mama. We have the same eyes.." Tinuro niya yung eyes niya. "Nose." Turo ulit sa nose. "And lips.." Tsaka niya ulit ako hinalikan
Is it possible na si Carlito ang nakakuha kay Andrei? No.
"Nako anak tigilan mo na yan. Ano ba yang bitbit mo?" May paperbag kase siyang hawak.
"Toy car mama. Gift po ni tito sakin." Pumasok kami sa Jollibee tsaka ko siya inupo.
"Patingin nga ako." Inabot niya sakin yung paperbag. "Did you say thank you?"
"Yes mama!"
Inilabas ko yung toy car na sinasabi niya at nagulat ako ng may nahulog na parang papel sa sahig.
Nang pinulot ko yun, I was shocked.
It was a picture of my Andrei.....
with his dad.
****
❤❤❤ Basahin niyo po yung Unseen Truth! Mwamwa! 😘