Chapter 23

8.3K 276 27
                                    

FS23

Carla's POV

"Maam nandito na po lahat ng files na ipinahanap niyo."

"Paki-play na lang Sandro." Utos ko sa isa sa mga bodyguard ng pamilya. "Please zoom in." Tutok na tutok ang mga mata ko sa laptop screen habang pinapanuod ang video footage ng CCTV camera ng mall. "Oh my god.. siya nga. It's really possible na may anak na si Carlito ko. Kamukhang-kamukha niya ang bata."

"Anak niya po yan maam?"

Nakangiti akong tumango sa kanya. "Look at him Sandro. Diba magkamukha silang dalawa?"

"Opo. Para po silang pinagbiyak na bunga." Natawa ako sa sinabi niya. Ganyang-ganyan din ang tingin ko sa kanila ng makita ko ang picture nung bata.

"Huwag na huwag mo munang sasabihin to kahit kanino. Now, I want you to find them."

"Yes maam. Babalitaan ko po kayo agad kapag may nakuha na kong impormasyon tungkol sa kanila."

"Sige. Sana mahanap mo sila as soon as possible."

Soon, mabubuo din ang pamilya ng anak ko.

****

"Maam dito po yung bahay na tinuro ng mga napagtanungan ko tungkol sa anak ni señorito."

"Sigurado ka ba?"

"Oho maam."

"Sige. Halika na." Bumaba na kami ng sasakyan at dumiretso sa bahay na tinuro niya kanina.

Nagdoorbell ako ng dalawang beses bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Sino ho iyan?" Hindi ako kumibo. Malakas ang pakiramdam ko na si Irishana na yun. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan niya din ako ng gate. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. "Tita Carla?"

"I'm glad you still remember me hija. Grabe ang laki-laki mo na. Tama nga si Rico, gumanda ka lalo. Kamusta ka na?"

"Tita ano kase-"

"Mama! Sino po yung bisita natin?" Biglang dumungaw sa pintuan ang apo ko.

"Is that my grandson?"

"Tita.." Kinakabahang sabi niya.

"I know hija. I know.."

Huminga siya ng malalim. "Pasok po muna kayo tita." Sabi niya tsaka niluwagan ang pagkakabukas ng gate. "Ano pong gusto niyong inumin?"

"I'm fine hija. Don't worry about me."

"Upo po muna kayo. Pasensiya na po kung magulo ang bahay. Ito po kaseng batang maliit na to napakapasaway-"

"Mama. Sino po siya?" Tanong ni Andrei.

I smiled at him. "I'm Lola Carla, but you can just call me lola, apo."

"Lola?" Kunot-noo niyang tanong. "Diba ang lola po nanay ng magulang? Patay na po yung lola ko kay mama, edi mama po kayo ng papa ko?" Hindi ako kumibo. I don't want to answer that. Ayokong pangunahan si Irishana kaya tumingin lang ako sa kanya.

"Anak come here.." Aya niya sa bata. Pinaupo niya sa lap niya si Andrei. "Remember, you're always asking about your papa?" Tumango ang bata. "And what does mama said?"

"Mama said that I will know the answer when I'm a big na."

"And?"

"And when the right time comes." Pagtutuloy niya. Napangiti na naman ako. Sadyang naalala ko si Carlito sa kanya.

"Anak naalala mo pa ba yung nakalaro mo the other day?"

"Si tito Carl po?"

"Yes anak."

"Why mama? Is he my papa?" Pigil hininga akong tumitig sa dalawa. I know it's not easy for Irishana to admit that. And I really admire her for being this strong.

"Oo anak. Siya ang papa mo and I'm sorry if I was not able to tell you that."

"Okay lang po mama. At least ngayon, sinabi mo na po. Si Lola po ba ang mama ni papa?"

"Oo anak. Go, hug your lola."

Tumakbo naman palapit sa akin si Carl Andrei.

"Lola, nasaan po si papa?"

"May inaasikaso lang siya apo. Hayaan mo sasabihan ko siyang dumalaw sayo kapag okay na ang lahat."

"Promise po yan lola ha? I want to play with my papa."

"You will apo. You will." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Anak, can you go upstairs first? Meron lang kaming dapat pag-usapan ni lola mo."

"Okay po mama. Lola, dito ka eat ha? Sabay po tayo." Tumango ako sa kanya.

"Hija."

"Tita Carla, please, wag niyo pong sabihin kay Carl na alam niyo na ang tungkol sa amin. Hindi pa po ako handang makaharap siya."

"Naiintindihan ko anak." Hinawakan ko ang kamay niya. "But he's really sorry. He changed for the good. Ipinahanap ka din niya pero sabi nga nila mahirap hanapin ang taong ayaw ng magpakita." Napangiti kami parehas sa sinabi ko.

"Nasaktan po kase talaga ako sa huli naming pagkikita."

"I know hija and I'm sorry for what happened. Minsan talaga hindi ko na din maintindihan kung anong klaseng pag-iisip ang meron ang anak ko. Ako na ang humihingi ng tawad-"

"Mama! Tumatawag po si daddy!" Naputol ang sinasabi ko ng nagtatakbo pababa ng hagdan si Andrei.

Nagpaalam sakin saglit si Irishana para sagutin ang tawag. At teka lang, tama ba talaga ang narinig ko kanina? Daddy?

***

Ooops. Paano na si Papa Carl kung may daddy na si Andrei? 🙈🙉😂

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon