FS30
Irishana's POV
"Mauna na kayo sa loob. Ibaba ko lang lahat ng pinamili ni Andrei."
"Osige." Ako na ang bumuhat kay Andrei papasok ng bahay.
Pagod na pagod ang baby ko. Want to sawa siguro sila ng papa niya kakalaro. Kapag kase ako ang kasama niya, may limit. Siyempre naka-budget ang pera namin e. Pero paniguradong ngayon, nag-enjoy ng sobra tong si Andrei.
"Saan ko ilalagay to?" Tanong ni Carl pagkapasok sa loob.
"Diyan na lang sa gilid ng sofa para makita niya agad bukas." Nagpatong nga si Carl ng mga walong plastic. "Sobrang dami naman ata niyan." Puna ko.
"Kulang pa nga yan e. Kaso sabi ni Andrei pagod na daw siya kaya next time na lang ulit."
"Sana wag mong sanayin sa ganito si Andrei." Biglang sabi ko.
"Bakit naman hindi? Anak ko siya and he deserve all the things that he wants to have." Proud na sagot ni Carl
"I know. Pero ayokong malungkot siya kapag nawala na yung mga nakasanayan niya."
Umupo siya sa katabing sofa ko. "Look at me Irish." Sumunod naman ako sa kanya. "Hindi ako mawawala. I promise." Ngumiti na lang ako. "Akin na si Andrei. Iaakyat ko na para hindi ka na din mahirapan sa pag-akyat sa kanya."
Hinantay ko na lang siyang makababa dito.
"Uwi ka na?"
"Oo. Para makapagpahinga ka na din. Alam kong pagod ka. By the way, tumawag si mommy kanina. Pwede daw kaya niyang hiramin ang apo niya?"
"Oo naman. Kaso Monday bukas, may school siya. Kung gusto mo, sunduin mo siya sa school after ng class niya."
"Sure! May pasok ka bukas?" He asked.
"Yup." Naglakad na siya papuntang pintuan kaya sumunod ako sa kanya. "Carl. Thank you."
"You're always welcome boss. Pahinga ka na. I love you." Hinalikan niya ulit ako sa noo. Mukhang nasasanay na naman ako sa pakiramdam na malapit siya sakin. Sana for real na to.