Chapter 20

8.2K 269 23
                                    

Chapter 20

2 years later.....

Carl

"Sir na-check ko na po lahat ng toy deliveries for today-"

"Hold on." Pagpapatigil ko sa secretary ko ng may makita akong maliit na batang pilit inaabot yung isang toy car. "Iwan mo muna ko."

Lumapit ako dun sa bata. "Hi little munchkin." Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magtama ang aming mga mata.

"My name is not munchkin po." Nakasimangot na sabi niya.

"What is your name then?" I asked.

"My name is Carl Andrei po."

"We have the same name." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Your name is also Carl?"

"Yes munchkin. You can call me tito Carl." Tumango siya. "How old are you little Carl?"

"I'm 2 years old po." Nag-sign pa siya ng dalawa gamit ang mga daliri.

"You're too big for a 2-year-old boy." Ang taba niya kase na maliit. Basta ang cute niyang tignan.

"But my mama said that even I'm big na, I'm still her baby boy."

"Where's your mama nga pala?" I asked. Ngayon ko lang naalalang tanungin. I was too busy with him.

Nagpalinga-linga siya bigla na para bang ngayon lang din niya naalala na mag-isa siya. "Mama!" He started to cry. "M-mama.."

"Shhh.." I carried him. "Boys doesn't cry okay? Matapang kase sila kaya wag ka ng umiyak diyan. Diba you're a big boy na?" I asked. Medyo tumahan naman na siya pero may hikbi pa din. "Do you want to play first while we're looking for your mama?" He nodded kaya dumiretso kami sa Tom's World.

Naglaro kami ng baril-barilan. Sumakay din kami sa mga cars. Nag-racing kami, nahirapan pa nga siyang abutin yung pedal kaya ang ginawa niya, tumayo na lang.

"What's that tito Carl?" He asked habang nakaturo sa photo booth.

"Photo booth yan little Carl. Pwedeng magpicture-picture diyan tapos makukuha mo na agad yung printed copy mo."

"Wow! It's amazing!"

"Do you want to try it?" I asked. Bakas sa mukha niya na gusto niya kahit hindi pa siya magsalita.

"Can we?"

"Of course!" Binuhat ko siya. "Let's go."

Pumasok nga kami sa loob ng booth at doon ay nag-picture. Halos lahat ng pose na gusto niya ay ginawa namin kaya napakatagal namin sa loob.

Makalipas ang tatlong minuto ay lumabas na din yung printed copy.

"Let me see po tito!" Excited niyang kinuha sakin yung picture. "Wow tito! Look o. Magkamukha po tayong dalawa. Hindi po kaya daddy ko kayo?" I was stunned with his question. Ako? Daddy niya? That's impossible!

Bigla namang nag-ring yung phone ko.

"Hello?"

"Sir pasensiya na po pero may emergency meeting po tayo. Nagkaproblema daw po sa shipment ng toys natin sa Hongkong at nagagalit na po ang mga investors." Sabi ng secretary ko.

"Okay. I'll be there. I-set mo ang meeting in 30 minutes." Utos ko bago pinatay ang telepono.

"Little Carl, it was so nice to meet you but tito Carl needs to go now." Paalam ko. "You can keep that copy na lang para may remembrance tayo. Okay?"

"Okay po tito Carl but my mama is still not here po." Malungkot na sabi niya.

"Don't worry. I'll ask the manager to assist you. Hahanapin nila si mama mo."

Timawagan ko nga yung manager nitong mall para masamahan si Carl sa Customer Service. Gustuhin ko man na ako mismo ang magbalik sa kanya sa magulang niya pero kailangan din ako sa office.

"Thank you tito Carl." Nakangiting sabi niya sakin.

"You're welcome little Carl. We'll meet again,okay?" Sabi ko.

"Okay po." Nagulat ako when he hugged me. Hindi ko na alam ang nangyayari sakin pero nakaramdam ako ng kaba at the same time ay saya.

***

Tadaaaa! Sorry sa napakabagal kong pag-update dito. Pero salamat sa walang sawang pagsuporta. Love ko kayong lahat! ❤💋

Btw, sana ay mabasa niyo po lahat ng stories ko. Just go to my profile baka may mahanap kayo na interesting na mabasa. Thanks! ☺

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon