Chapter 8

8.7K 294 3
                                    

Irishana.

Nagising akong wala ng.. wala ng saplot sa katawan.

JOKE.

Nagising ako na nakahiga na sa kama ko.

Wala namang kakaiba sa nararamdaman ko. Suot ko pa  din naman yung damit na suot ko kahapon.

Pero ang ipinagtataka ko eh kung bakit ako nandito?

Malamang si Carlito ang dahilan.

Pero pano binuhat niya ba ko?

Hinatak papasok na parang sako na di kayang buhatin dahil da bigat?

Bakit di man lang ako nagising? Huhu. Ganun ba ko katulog mantika? Psh.

Any, 11:30 na pala. Buti na lang wala akong  pasok sa school ngayon.

Naligo nako tapos nagbihis ng short na pambahay tsaka sando bago lumabas.

Nagluto na ko at kumain.

Nanuod ng tv pero bored pa rin ako. Huhu. What to do?

Plates?

Natapos ko na nga palang gawin kagabi.

Manuod?

Bored na nga ako diba?

Gumala?

Ayaw. Tinatamad akong lumabas.

Magluto ulit?

Madami nakong niluto kaya abot na ng dinner yun.

Mamalantsa?

Wala naman kaming uniform sa school na dapat plantsahin.

Eh kung plantsahin ko yung mga damit ni Carlito?

Tumakbo ako sa closet niya.

DISAPPOINTED.

Plantsado na kase lahat e. Siguro nagpapa-laundry siya tas diretso plantsa na.

Napaupo ako sa bed niya habang nag-iisip ng pwedeng gawin.

Inikot ko ang mata ko sa buong room at nakita kong ang kalat.

Kung maglinis na lang kaya ako?

Tama! :)

Agad kong tinaas yung buhok ko. Ganto ako pag naglilinis para walang sagabal na buhok.

Sinimulan ko ng maglinis.

Nilinis ko yung CR niya.

Sumunod yung mga kalat na nasa sahig, isa-isa kong inayos.

Walis dito, walis doon.

Last na pupunasan at aayusin ko na lang is yung office table.

Patapos na sana ko sa paglilinis ng may umagaw ng atensiyon ko. Meron siyang pencil holder.

Sinabog ko sa floor yung pens niya ng may sumamang mga punit-punit na picture?

Binuo ko yung picture.

Siya lang naman yung nasa picture..

habang may kasama siyang napakagandang babae.

Nakaakbay siya sa babae habang yung isang kamay niya ay nakahawak sa kamay nito. Tapos yung babae naka-kiss sa cheeks niya.

May kumurot sa dibdib ko dahil sa nakita ko.

Hindi ako makagalaw.

Ang saya nila sa picture. Sobrang saya.

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon