CHAPTER 2.1

24.3K 237 32
                                    


Paano kami nagkakilala ni Borgy?

Well, ganito kasi yun....

Flashback, 2 years ago*****

Sport's fest.

Kaya expected na iba't ibang school ang darating sa school namin ngayon, Brandt University. That's our school's name. Classy, di ba? How'd a commoner like me get here? Well, scholar lang naman ako ng school. That's why.

Back to the topic,
sa school kasi namin ngayon hineld ang sport's fest.

"Ay naku Cam! Sobrang gwapo nung captain ng SCU noh?! Grabe crush na crush ko na sya!"
Kinikilig na sabi pa ni Yvette sa'kin.

She's my bestfriend since first year hanggang ngayong third year college na kami. She's a businessman's daughter.

Andito nga pala kami ngayon sa gym ng campus namin at nanonood ng Basketball Match between our school and SCU (Stephen Colt's University ).

Tiningnan ko ang captain ng SCU na crush na crush ng bruhang bestfriend ko.

Tss!
Gwapo nga sya.

Pero, wala akong paki!
Top priority ko ang pag-aaral kesa dyan sa mga lalaki.

"Tss! "
Tanging sagot ko lang sa kanya.

"Ay naku Cam! Kahit kailan di ka talaga nagkakainteres sa mga lalaki! Hmp! Di ko tuloy mapigilang isipin na ------"

Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Na ano? Na tomboy ako?! "

Pinandilatan ko pa sya.

"Ikaw nagsabi nyan ah."
Patay-malisyang sagot ni
Yvette.

Napailing nalang ako.

"KYAAAAHHHH!"

Napatingin kami sa court nang magtilian ang mga nanonood.

Nadismaya ako nang makita ang score.

Lamang na ang SCU!

Hinila ko na patayo si Yvette.

"UY BRUHA! T- TEKA LANG! ANG GANDA NA NG LARO OH! "
Reklamo nya.

"Gutom na ako, Vette. Tara na sa canteen. Wala na ring chansang manalo yang team ng school natin eh. Ang laki na ng lamang ng kabila oh! Ilang segundo nalang ang natitira at end game na. Tss! Tara na! "

Ngumiti lang ang bruha!

"Panalo na sila! Kyaah! Psh. Sige na nga! Canteen na tayo. Ililibre kita dahil for sure panalo na yung SCU! Kyaaah! SUPER DUPER GWAP---- OUCH! "
Binatukan ko lang naman sya. Tss!

Sa kabilang school ba naman sya kampi! Napaka-traydor talaga ng Bruhang 'to!

"Tss! Magtransfer ka na nga lang kaya dun sa SCU para makasama mo yan! "
Tinutukoy ko yung captain ng SCU.

Ngumiti lang ang bruha.

Tss!

Hinawakan nya na ang kamay ko at tinahak na namin ang daan patungong canteen.

"Alam mo Bruha, try mo ngang mag-appreciate ng kagwapuhan kahit isang beses lang. Psh! Kaya di ka pa nagkakaboyfriend eh! Napaka-aloof mo sa mga boys! "

Di ko sya sinagot at nagpunta na ako sa counter ng canteen at umorder. Sumunod naman si Vette sa'kin. Pagkatapos naming umorder ay pumwesto na kami sa bakanteng table na naroroon.

"Hay naku! Nakakakilig talaga sya! Sobrang gwapo! Borgy Santillana. Pangalan pa lang niya sobrang gwapo na! Oh my God! Crush na crush na kita! "
Ayan na naman po si Yvette.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon