CHAPTER 31

9.6K 177 8
                                    

KEN'S POV

"Here, eat this."
Sinusubuan ko si Camille ng hiniwang apple.

Gabi na at ako na naman ang naiwan para magbantay sa kanya na kagigising lang mula ng tinurukan siya kanina ng pampakalma na nagpatulog sa kanya. Pinauwi ko na ang iba, gusto ko kasi na ako lang 'yung magbantay sa kanya.

Tiningnan niya lang ito.

"B-Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko Ken? Nasaan si Tim? Ok lang ba siya?"

Natigilan ako.
Nilapag ko muna ang plato ng mansanas sa mesa bago sinagot ang tanong niya.

"A-Ah..."
Di ko alam kung pa'nu ko sisimulan.

Sasabihin ko na ba sa kanya?

"Ano?"

Tiningnan ko siya.

"C-Camille, a-alam kong n-napamahal na sa'yo si T- Tim, b-but, "
I stammered.

"But?"
Nalilitong tiningnan niya ako at inaamok na ipagpatuloy ang sinabi.

"-I-I a-am s-sorry, b-but-"

Huminto ako sa pagsasalita nang makitang naluluha na siya.

"H-Hey! D-Don't cry!"

"He didn't make it, does he?"

Napalunok ako habang nakatitig sa mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Y-Yeah... He's dead. H-He lost so much blood. I-I'm sorry, Camille."

Napahagulgol siya sa narinig.

Sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya.

Evangelista was really special for her.
Hindi siya iiyak ng ganito kung hindi.

I'm sorry man, but I'm freakin' envious and hurt right now!

----------------------------------------------------

CAMILLE'S POV

Ang buhay ay hiram lamang. Lahat tayo ay may hangganan dito sa mundo. Pero hindi ibig sabihin nun ay tapos na ang biyahe, there's still the other life awaits for us. Doon, maninirahan tayo ng panghabang-buhay na may payapa at puno ng pagmamahal para sa isa't isa.

"Let's go?"

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses na 'yun ni Trixie.

Napatitig ako sa puntod ni Tim.

It's been two weeks since nakalabas na ako ng ospital. Almost a week na nang mailibing ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kabayanihang ginawa niya.

And as for Lianne?

Nasa kulungan na siya at pinagbabayaran ang ginawa niyang kasalanan. Sana naman ay magtanda na siya doon sa loob!

"T-Tim kung s'an ka man ngayon, sana ay masaya ka na. Salamat sa napakalaking naitulong mo sa'min. Sa totoo lang, namimiss kita. Isa kang napakabuting kaibigan."
Lumuluhang sabi ko sa puntod niya.

At kung nagtatanong kayo kung kumusta kami ni Ken?

Well, masasabi ko na okay na kami pero parang aloof pa rin siya sa'kin. Hindi na siya katulad ng dati na may galit sa'kin pero ramdam ko na nilalayo niya 'yung sarili niya sa'kin. Everytime I talk to him, sinasagot niya naman ako pero agad din siyang lalayo. Gusto ko siyang tanungin kung bakit. Siguro dahil hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa nangyari noon. Gusto ko naman siyang kausapin pero wala akong sapat na lakas ng loob para gawin ito.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon