CHAPTER 34

7.7K 134 4
                                    

CAMILLE'S POV

"A-Akala ko tapos na 'to! My God! Not my child! H-Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Ethan! H-Hindi ko makakaya!"
I couldn't help but cry and hysterical. Hindi ako mapakali dito sa bahay habang ang isip ko ay naglalakbay kay Ethan. Alam kong hindi niya kakayanin ang mga ingay na naririnig niya ngayon. God! Sana okay lang siya! At sana wala silang gagawing masama sa kanya!

"Hon.... calm down! Natawagan ko na 'yung mga pulis. Hinahanap na nila ngayon sina Lianne."

I shook my head at Ken.

"How can I calm down?! Bakit ang dali-dali lang sa'yong sabihin yan ha?! Hindi ka ba natatakot sa kalagayan ni Ethan ngayon?!"
Paggalit na sigaw ko sa kanya.

"Of course I am! Kung natatakot ka.... Natatakot din ako! Pero hindi ito makakatulong kung ito ang mas pairalin natin! We have to be strong, Hon! Just calm down!"
Ito ang unang beses na tinaasan niya ako ng boses. Unti-unting lumalambot ang mukha niya nang makita ang sakit sa mukha ko. Kinabig niya ako para yakapin.

"I'm sorry... it's just that... We have to stay calm... Ethan will be safe."
Sabi niya sa malumanay na boses.

"N-No... I can't calm down, hon! He's just a child! And he has phonophobia for goodness sake! Kaya hinding-hindi ako makakalma hangga't hindi ko siya nakikita.... hangga't hindi ko siya nahahawakan!"
Umiiling na kontra ko sa kanya.

He cupped my face.

"Okay... I'll go and find our son. Hindi ako babalik dito nang hindi siya kasama. I'll save him!"

Umiling ako.

"No... I'll go with you!"

"No. You stay here... masyadong delikado."

"Sasama ako!"
I insisted.

Natigilan kaming pareho nang tumunog ang telepono. Mabilis na nilapitan ko ito at sinagot.

"H-Hello?"

"Hi Camille! Nice to hear your voice again!"
Sagot ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya.
Pinaresan pa nito ng mala-demonyong tawa.

Biglang kumulo ang dugo ko nang makilala ang boses nito.

"WALANGYA KA, LIANNE! SA'N MO DINALA ANG ANAK KO HA?!"

"Kalma lang, Camille! Masyado ka namang mainit eh. Don't worry, your son's still alive. Nakatulugan niya ang kaiiyak. Hindi naman ako nainform na takot pala siya sa ingay."
Tumawa ulit siya na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Walanghiya ka talaga, Lianne! Wag mong sasaktan ang anak ko! Magkakamatayan tayo!"

"Oh... Magkakamatayan. Yun nga ang gustong-gusto ko Camille eh!"

"HAYOP KA!"
Kukunin sana ni Ken ang telepono pero hindi ko ibinigay sa kanya.

"Call me whatever you want! Basta ako, ipagpapatuloy ko ang paghihiganti sa inyo! Isang taon din akong nagdusa sa mabahong kulungan na 'yun dahil sa inyo! Akala niyo magiging masaya na talaga kayo hanggang sa huli ha?! I WILL NEVER ALLOW THAT! HANGGA'T NABUBUHAY AKO, PATULOY ANG PAGHIHIGANTI KO SA INYO!"

Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo matanggap ang katotohanan, Lianne?! Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ka nakulong eh! Lalo mo pang dinagdagan ang kasalanan mo sa batas at sa Diyos dahil sa ginagawa mo ngayon!"

"Stop preaching, Camille! Wala akong pakialam sa batas at sa Diyos! Ang paki ko lang ay ang maghiganti sa inyo! Lalong-lalo na sa 'yo! Gustong-gusto kong maramdaman mo ang galit ko! Gusto kong makita mo kung paano ko kikitilin ang buhay ng anak mo!"

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon