TIM'S POV
Pinakalma ko ang sarili bago kinuha ang baril at sumilip ulit.
Sinasampal ni Lianne si Camille.
Mahigpit na hinawakan ko ang baril.
You can do it, Tej!
Maingat na naglakad ako papunta sa kinatatayuan ng mga tauhan ni Lianne, kung saan din naroroon ang anak ni Camille na si Ethan. Para hindi nila mapansin ay dumaan ako itaas na bahagi ng bodega. Maingat na maingat ang bawat paghakbang.
Pinag-aralan ko na nang maigi ang pasikot-sikot sa bodegang ito kaya alam ko na ang bawat sulok nito.
Mabilis na nakalapit ako sa likuran ng isang tauhan ni Lianne.
Agad na tinutukan ko ito ng baril.
"Wag ka nang lumaban kung ayaw mong basagin ko 'tong bungo mo! Ibigay mo sa'kin ang bata!"
Mahina lang ang boses ko para hindi marinig nina Lianne at iba pa niyang tauhan."Hindi mo kayang gawin yan! Mahal mo si Ma'am Lianne, di ba?"
Tanong niya sa'kin nang makilala ang boses ko."Kahit mahal ko siya ay hindi ko itotolerate itong ginagawa niya! Kaya ibigay mo na sa'kin ang bata!"
Lalo kong diniinan ang pagkakatutok ng baril sa ulo nito.Maingat na kinuha ko ang bata sa rito gamit ang isang kamay.
Nabigla ako nang umiyak si Ethan.
Sinamantala ng tauhan ni Lianne ang pagkakataong natataranta ako sa pag-aalo sa bata, kinuha nito ang baril at itinutok sa akin. Mabilis na binaril ko ang kamay nitong may hawak-hawak na baril dahilan upang mabitawan nito iyon. Napahiyaw ito sa sakit."Hush baby!"
Pag-aalo ko kay Ethan na lalong umatungal ng iyak nang marinig ang putok."TJ!"
"T-Tim?"
Sabay na tawag nina Lianne at Camille sa'kin.
Hinarap ko sila. Naramdaman kong gumalaw ang tauhan ni Lianne na binaril ko upang kunin ang isa pang baril nito. Mabilis na binaril ko ang isa pang kamay nito.
"Subukan mong lumapit! I swear I'll pull this trigger!"
Banta ni Lianne sa'kin habang nakatutok ang hawak-hawak nitong baril sa sentido ni Camille.My heart's aching for two reasons.
One, because of Camille and her son. They have suffered too much.
Two, because of Lianne, the only one I love since we were in grade school. The one who used to be so charming and kind turned into this wicked witch.
Masayahin siyang tao.
Bata pa lang kami ay gusto ko na sya. Pero nang magbinata at magdalaga na kami, naramdaman ko na lang na mahal ko na pala siya. When she turned 18, nagpaalam siyang aalis patungong China dahil sa business ng Dad niya. I gripped my fist when I remembered that day before she left, I confessed my love for her. She didn't say any, she just hugged me and left. Sobrang nalungkot ako noon. Lumipas ang mga taon hanggang sa gumraduate na ako ng college, siya pa rin ang mahal ko. Lumipad ako patungong China para sundan siya, only to hurt myself knowing she's in love with somebody else named Ken Sebastian Ford. I ignored the pain, ipinakita ko pa rin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal kahit ilang beses na niyang sinabi sa'kin na hinding-hindi niya ako kayang mahalin. Nawalan ako ng pag-asa noon. Pero isang araw nakita ko nalang siyang umiiyak at si Ford ang dahilan. Nabuo ang galit sa dibdib ko para rito. How could he hurt someone like her? Hindi ko alam noon na one-sided love din pala ang nararamdaman ni Lianne noon para kay Ford. Katulad nalang nung sa'kin. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal dahil may mahal siyang iba na hindi naman siya mahal dahil may mahal na din itong iba. When she told me everything, nabuhayan ako ng pag-asa. Pag-asa na magkakaroon pa rin ng "kami" sa huli. I'm willing to do anything for her.
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.