CAMILLE'S POVKasalukuyan akong nagdidilig ng halaman nang biglang tumunog ang doorbell.
Dahil malapit lang sa'kin ang gate ay ako na ang nagbukas nito.
"Tim?"
Nagulat ako nang ito ang mapagbuksan ko.
Nagtatakang tiningnan ko ang relong pambisig at nakitang alas-siyete y medya palang ng umaga.
"H-hey! Can we talk?"
Napakunot-noo ako nang makitang parang hindi ito mapakali. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito.
"S-Sure. Pasok ka muna!"
Agad na umiling siya.
"Wag na, Cam! Mabilis lang naman ito eh."
"What's wrong? You seem uneasy lang kasi eh. May problema ka ba?"
Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Umiling siya.
"O-Okay. Anong gusto mong pag-usapan natin?"
He took a deep breath before answering my question.
"Can you do me a little favor?"
"O-Okay? What is it?"
"Please don't go out for today. Just stay inside this house."
Nagtataka ako sa sinabi nya.
"H-Huh? B-Bakit?"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Just do what I said. Please?"
Nagugulahan man ay napatango ako.
"Maiintindihan mo rin ako sa tamang panahon, Camille. Bye."
Niyakap niya pa ako bago nagmamadaling tumalikod at sumakay ng sasakyan niya."Te-teka!"
Di ko na siya napigilan dahil pinaharurot niya na ang sasakyan palayo.
Ano'ng malalaman ko sa tamang panahon?
Sino ka ba talaga, Tim? Ano'ng nalalaman mo?--------------------
KEN'S POV
"Mr. Lim! What brings you here?"
Gulat na tanong ko sa ama ni Lianne nang pumasok ito sa opisina ko."Can we talk?"
Madilim ang mukhang bungad niya sa'kin.I gulped.
"S-Sure. W-What is it, Mr. Lim?"
"Tungkol sa inyo ng anak ko!"
Napatuwid ako ng upo.
"Mr. Lim, matagal niyo na hong alam na walang namamagitan sa amin ng anak mo. I just see her as a sister that I never have."
"Ginagago mo ba ako, Sebastian?! Ano'ng walang namamagitan sa inyo! She's pregnant with your child!"
Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo nang galit na isigaw 'yun ng matanda.
"W-what?"
"Marry my child or else I'll do something you don't expect me to do, Sebastian!"
Mariing sabi ni Mr. Lim bago ako tinalikuran at nagmartsa palabas ng opisina.Naiwan akong napapantastikuhan.
Limang linggo na simula nang may nangyari sa'min ni Lianne.
Naikuyom ko ang kamao.
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.