CHAPTER 17

11.1K 211 17
                                    


KEN'S POV

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa'kin? Ano bang kulang sa'kin ha?! Binigay ko naman lahat lahat sa'yo, Sebastian! Pero bakit kulang pa rin?"
Lianne cried.

Blangko pa rin ang mukha ko.

"Sinabi ko na sa'yo Lianne, may mahal na akong iba and it's not you."

Biglang tumalim ang mga tingin nito sa'kin.

"Is she prettier than me? Is she sexier? Or is she wealthier?-"

"Lianne!"
I cut her off.

"Bakit di nalang kasi ako, Sebastian?!"
She hissed.

Bakit nga ba? Bakit nga ba di nalang ikaw yun, Lianne?
Ikaw naman yung una kong nakilala pero bakit di na sya mawala sa puso ko? I tried my best to hate her so bad. Pero malakas pa rin ang pintig ng puso ko para sa kanya.

"Who's that girl huh?"
She asked furiously.

"Even if I told you her name, hindi mo pa rin siya kilala. Just go home, it's already late."
Cold na pagtataboy ko sa kanya.

"Makikilala ko rin siya, Sebastian! And when that time came, I swear I'll make her life miserable!"
May pinalidad na sabi niya bago nagmartsa palabas ng unit ko.

Napailing nalang ako.

Bakit ba kasi ganito ang pag-ibig? Hindi mo madidiktahan ang puso kung sino ang mamahalin nito.

Siya pa rin kahit sobrang sakit nung nalaman kong siya pala ang asawa ng namayapang kapatid ko. She fooled me, she hurt me so bad, pero bakit siya pa rin?

Bakit parang sumisikip ang dibdib ko sa t'wing naiisip siya?

It's been 7 months since I last saw her, at sobrang namimiss ko na siya.

Namiss ko rin si Mom.

Speaking of Mom, di pa ako nakakatawag sa kanya since I came back here. Baka magtampo na yun.

Kinuha ko yung telephone and dinial ang tel. no. sa bahay.

Ringing....

"Hello?"

Parang huminto sa pag-ikot ang mundo at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya na kahit ilang taon pa ang lumipas ay hinding-hindi ko makakalimutan.

How I missed her voice. How I missed her that it hurts.

Di ako nagsalita.

"Hello? Santillana Residence. How may I help you?"

Di pa rin ako nagsalita.

Isinandal ko ang ulo sa headrest ng upuan.

Kinakabahan akong magsalita. Tss! What a coward you are, Sebastian!

"Hello? Kung wala ka pong balak na magsalita ay ibababa ko na po itong telepono."

I was about to say anything when I heard the 'toot' tune. She hanged up.

Napabuntong-hininga ako.

I missed you ,Camille.

-----------------------------------------------
CAMILLE'S POV

Tss! Kainis yung tumawag kanina ah! Pinagtripan ba naman yung telepono ng bahay! Wala sigurong magawa sa buhay! Tss!

Nakasimangot pa rin ako habang patungo sa kwarto ni Mama. Magpapaalam lang ako na lalabas lang sandali. Gusto ko kasing gumala sandali para maexercise naman ako.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon