"Anak, bakit ngayon ka lang? "
Bungad agad ni Tatay sa'kin nang pumasok ako ng bahay.Kita ang pag-aalala sa mukha niya.
Niyakap ko kaagad sya. Gusto kong umiyak at sabihin sa kanya ang lahat pero pinigilan ko ang sarili.
"Galit ka ba ,tay? Sorry po talaga, nakitulog ho ako sa bahay ng dati kong kaibigan sa Bacolod. Pasensya po talaga."
Ilang beses na ba akong nagsinungaling sa kanya? Di ko na mabilang. Sorry Tay, natatakot akong sabihin sa inyo ang lahat.
"Sino namang kaibigan yun ,anak?"
"A-Ah Tay, kailangan ko na hong umuwi ng Manila mamaya. May emergency lang kasi e."
Ignoring his question.Alam kong marami pang itatanong si Tatay kaya kailangan ko nang umiwas. Guilt is killing me! Damn! Wala akong choice kundi ang magsinungaling ngayon. I'm sorry, Tay. I really am.
" Ano'ng emergency? May tatlong araw ka pa dito Nak ah? "
Di ko sinagot si Tatay. I just lowered my head. Nasense siguro ni Tatay na wala akong balak sagutin ang mga ito kaya sinabi niya nalang ito,
"Pero kung talagang emergency yun at hindi ka na mapipigilan, sige! Ihahatid ka nalang namin mamaya sa airport. Mag-impake ka na muna sa itaas."
Buti nalang talaga at may ganito ako kabuting Tatay. Napakaswerte ko talaga sa kanya.
Niyakap ko ulit siya bago pumanhik sa kwarto at nag-impake.
Natigilan ako nang maalala si Ken.
Napahawak ako sa mga labi.
Nararamdaman ko pa rin yung mga halik nya rito at sa bawat pagdampi ng mga labi niya sa bawat parte ng katawan ko.
His touch.
His scent.
Everything about him.
I already missed him ,but I have to wake up in the reality that we can't be with each other.
Mali ang lahat ng nangyari! A beautiful mistake indeed!
He will be awaken anytime soon. At alam kong hahanapin niya agad ako.
Kaya kailangan ko nang umalis dito.Kinuha ko yung wedding ring sa loob ng pouch ko at sinuot ito.
This is the reality, Camille. You are a married woman, and Ken doesn't know that. And he will never know that! Dahil aalis ka na, tatakas sa napakagandang pagkakamaling ginawa mo!
Ngumiti ako ng mapakla.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago naligo at inayos ang sarili.
"Ang lungkot ng mga mata mo, Camille. Ikaw kasi e, hinayaan mo yung sarili mong mahulog sa kanya gayong may asawa ka na. You should have ignored him from the start, pero hinayaan mo ang sariling makalapit sa kanya at ngayon, hulog na hulog ka na. Ang hirap ,di ba? Mas humirap yung sitwasyon mo! And this is the right thing to do, escape."
Para akong baliw na kinakausap ang sarili sa salamin.I sighed.
Napabaling ako sa pinto nang may kumatok dito.
"Nak, kung ready ka na dyan ay bumaba ka na at kakain na tayo."
"Sige po, Tay! Susunod ako."
Dinala ko na rin yung maleta ko sa pagbaba.
"Di ka na ba talaga mapipigilan pa, Tita? "
Malungkot na tanong ni Anna sa'kin habang nakatitig sa maletang hila-hila ko.

BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.