Chapter One: The Past

418 11 15
                                    

[a/n] nakooooo! eto na po yung karugtong.. hehehe!

pagkatapos nyung basahin, sabihin nyu naman sa kin kung may karapatan nga ba talagang humingi ng One More Chance si Josh kay Mich <3... :)

*i'll dedicate this chapter po sa first liker. :)

love y'all! >:)

_________________________________________________________________________________

~~"Dahil mahal kita. MAHAL KITA DANIELLA MICHELLE SORIANO!" ~~

ilang beses na tong pa-ulit ulit sa isip ko. O_____________________o

napapatanga nlng ako sa tuwing naiisip ko siya.

dalawang araw na ang lumipas matapos yung nangyari sa coffee shop, matapos siyang magtapat... iniwan ko na lang siya bigla.

hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga siya kayang harapin..

"Mich, please let's try this one more time. Please give me one more chance..." ;'(

"I don't know Josh .. " kinuha ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "i'm sorry.. ;'( " at bigla na lang akong tumakbo palabas ng coffee shop.

Hindi ko maintindihan pero nababalot ako ng takot.

Takot na baka iwan na naman niya ko..

Takot na baka magsawa na naman siya sa kin..

Takot na baka masaktan na naman ako ulit…

Isang taon..

isang taon din kaming mag-on ni Josh.

First boy friend ko siya.

I was seventeen then, when I first met him.

Minahal ko siya.

Yun lang ang isang bagay sa ngayon na masasabi ko’ng sigurado talaga ako.

Pero kung mag wo-work out pa rin kaming dalawa? Ewan. Hindi ko alam.

It’s been almost two years since he broke my heart.

HE LEFT ME. -________________________-

For one petty reason – para daw sa ikabubuti ko.

In short, nagsawa siya sa kin kaya niya ko iniwan. Tanga ba siya? Paano naman nakabuti sa kin ang pang-iiwan niya??

Sobrang sakit nun nung sinabi niya sa kin. Pakiramdam ko, parang sobrang kawawa ako. Hindi ko maintindihan kung pano niya nagawang iwan ako kung sinasabi niyang mahal  niya ko.

xxxFLASH BACKxxx

“I’m sorry Mich. You have to grow up. Hindi lang dapat sa ‘kin umiikot ang mundo mo.”

“Hindi kita maintindihan Josh. Mahal kita, at sabi mo mahal mo rin ako. Kaya bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan??” Umiiyak na ko sa puntong ‘to. Litong lito kung ano na ang mga sinasabi ni Josh.

“Tingnan mo nga ‘to.. bumaba ang grades mo.” Inilahad niya sa kin ang grade slip ko.  “Pati mga kaibigan mo nagtatampo na kasi hindi ka na nakakasama sa kanila.. At ang mama mo, ako ang sinisisi sa pagbaba ng grades mo. Hindi ko naman siya masisisi, kasi sa tingin ko. ako nga ang dahilan ng lahat ng ‘to.” Napayuko siya. Hindi ko maaninag ang reaksyon ng mukha niya.

“Ano ba’ng sinasabi mo Josh? Mahirap lang talaga ang subjects ko kaya ganun. ‘Wag mo ngang sisihin ang sarili mo.. ”

“Mich, makinig ka. Gagawin ko to para sayo.”

 Umiiling ako. Hindi ako naniniwala sa kanya. “Hindi totoo yan. Hindi mo na ko mahal kaya mo ko iiwan.”

Niyakap niya ko bigla. Sobrang higpit na mas lalong ikinaiyak ko, Ramdam ko kasi na mahal niya pa ako pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming maghiwalay. Parang may kung anong bagay na hindi niya masabi sa ‘kin.

“I’m giving you space. We’re breaking up but it wouldn’t make me love you any less, Mich. Tandaan mo ‘yan.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa kin. At dun ko lang nakitang lumuluha na rin pala siya.

Tumalikod na siya at aalis na sana pero pinigilan ko siya. Niyakap mula sa likod.

“Josh, please. Baka pwede naman nating pag usapan muna ‘to some other time. Please.. if you’re worried about my grades, then I promise.. I’ll study even harder.. and I’ll make it up to my friends! Just please.. wag mo kong iwan, Josh.” :’( 

Kinalas niya ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa kin. “I’m sorry Mich. I’m so sorry.”

xxxEND OF FLASH BACKxxx

Ang lungkot ng mukha niya nang sinabi niya yun.

Yun na ang huling beses na nakita ko ang mukha niya.

Matapos nun, hindi ko na siya nakita sa school.

Sabi ni Eric, best friend niya, nag drop na daw si Josh at lumipat sa ibang school.  

Umalis siya tapos ngayon, babalik dito and ask for another chance?

Anak ng tokwa naman yan. Parang ang simple naman yata para sa kanya.  

Palibhasa, hindi naman kasi SIYA yung nasaktan.

Hindi naman SIYA yung naiwan.

*Ding-Dong-Ding-Dong*

Ang doorbell.  Tsk. Panira ng moment. hihih

Bumaba ako at binuksan ang main door.

Walang tao.

Sabi ko na nga ba.

Tuwing umaga nlng ako nakakatanggap ng long-stemmed red rose.

Iniiwan lng ng kung sino matapos mag door bell.

Pero alam na alam ko naman kanino galing to.

May note kasi na “I’m sorry.” Hand written pa. Alam na alam ko ang sulat kamay niya.

ish! Kainis! Ayaw talaga umintindi ng mokong na Josh na yon!

Hindi ko na kayang sumugal eh..

As usual, tinapon ko na naman yung long stemmed-red rose.

Baka mahabag lang ako kung makikita ko ‘yun buong araw.

Pero bigla nlng dinampot ng aso ko yung flower..

 (see picture on top) ^^,

ish! kainis naman tung si Beauty eh..  parang kinakampihan pa talaga yung Josh na yun!

Hmp, ayaw niyang tumigil ah... pwes! tingnan lang natin kung hanggan saan yang kakulitan niya..

>_______________________<

One More Chance (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon