=x=x=x THIRD PERSON x=x=x=Mag-kadikit parin ang mga labi ni Jake at ni Jamie.
Nanlaki ang mga mata ni Jake nang halikan siya ni Jamie pero dahan dahan niya rin itong pinikit.
Saktong-sakto ang lakas ng hangin.
Parang tumigil ng sandali ang oras.
Nang maubusan na sila ng hininga, nag-hiwalay na rin ang mga labi nila,
unti-unting minulat ni Jake ang mga mata niya, ganun din si Jamie...Nag-tinginan lang sila, mata sa mata, parang hindi sila makapaniwala sa mga nangyayari, gusto na ba talaga nila ang isa't isa?
=x=x=x JAKE x=x=x=
Nagulat ako...
Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Jamie pabalik.
Ibig sabihin...
Mahal niya na rin ako???
"Jamie..." sabi ko gamit ang malamig kong boses.
Nakatingin lang siya sa mga mata ko, parang gusto niyang sabihin na...
"Jake, I-I like you too..." nauutal niyang sabi.
Nagulat ako dahil, yun nga ang ine-expect ko na gusto niyang sabihin.
Speechless ako...
"Jake, hindi ko din alam kung pano nangyari yun pero... bigla nalang kitang nagustuhan." sambit niya.
Hinawakan niya ang mukha niya at parang hindi siya mapakali.
"Ano nang gagawin ko? Hindi pwedeng mangyari 'to... maraming ma---" pinutol ko na ang sasabihin niya...
"Shh..." niyakap ko siya "Wag kang matakot na mahalin ako... hindi kita pababayaan." sambit ko.
Parang may tumulo mula sa taas...
Teka, umaambon ba?!
Umaambon nga!
"Jamie, tara dun sa kotse ko dali!" sambit ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa sasakyan ko.
Pumasok na kami kaagad bago pa lumakas ang ulan.
Ginulo ko nanaman ang buhok ko.
Tulala lang si Jamie habang nakatingin ako sa kaniya, siguro iniisip niya parin na mali ang mag-kagustuhan kami.
"Jamie, are you okay?" nag-aalala kong tanong.
Dahan-dahan siyang tumango pero hindi siya makatingin sa akin.
Alam kong nag-sisinungaling siya, kilala ko na siya, alam kong hindi siya okay, pero teka, bakit ko pa tinanong?
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay niya.
"Jamie..." may sasabihin sana ako pero bigla siyang nag-salita...
"Okay lang ako, Jake..." sambit niya.
Huminga ulit ako nang malalim...
"Jamie, alam kong natatakot kang ma-inlove dahil sa nangyari sa inyo ni Gelo. Pero sana bigyan mo ako ng chance para maipakita sayo na iba ako sa kaniya. Jamie, I love you... I swear to God na hindi kita sasaktan... Just... let me love you." napahigpit ang pag-hawak ko sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomanceA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.