Chapter 22: Love or Fame

930 27 2
                                    

=x=x=x JAKE x=x=x=

Napapangiti ako habang nag-mamaneho pauwi.

Hindi ko kasi makalimutan si Jamie.

Siya lang ang nakapag-pasaya sa akin ng ganito since nag-break kami ni Jessica.

Saka nung hinalikan ko siya sa ilalim ng puno, ibang iba ang naramdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko nun.

And then when she kissed me back...

It felt so damn good.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti dahil sa mga nangyari ngayon.

Pero...

Hindi pa kami, kailangan ko siyang mapa-sagot. I'll do anything for her.

Akala ko talaga, si Jessica parin ang mahal ko, ngayon ko lang nalaman na si Jamie na pala ang laman ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero wala akong paki-elam, basta ang alam ko... siya na ang mahal ko.

Naka-balik na ako sa condo/penthouse para mag-pahinga, dumiretso ako sa kama ko at nahiga habang nakatingin sa kisame.

"I love you... Jamie Santi." bulong ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at kusang napangiti.

Kinabukasan...

Phone ringing...

Ang pag-ring ng cellphone ko ang gumising sa akin.

Aish! Sino nanaman kaya yun?

Napakunot ang noo ko dahil nasisilaw ako, ayoko talaga ng nasisira ang tulog ko.

Kinapa ko sa bedside table ang cellphone ko at dinampot para sagutin ang tawag.

"H-hello?" panimula ko.

"Jake, agahan mo ang punta dito sa studio ah? Kailangan ka na namin." sabi ni sir Alex.

"B-bakit?" inaantok kong tanong.

"Para lang matapos tayo ng maaga, late na kasi tayong natapos the other day. Saka, mas marami tayong gagawin ngayon." sambit niya.

"Uhh... sige, sige. I'll be right there." sabi ko.

Bumangon na ako mula sa kama.

As usual nag-ayos na ako.

Hindi na ako nakakain dahil nag-mamadali ako, hindi naman ako mabilis magutom.

Pinuntahan ko na sila sir Alex para malaman kung ano ang mga gagawin.

Nang makita ako ni sir Alex na paparating, parang iba ang aura niya ngayon, parang kinakabahan, naaawa, parang nag-iisip siya ng gagawin.

"Sir Alex, are you okay?" tanong ko kaagad.

"Hmmm... I don't know... I'm worried about you, Jake." sabi niya.

Huh? Worried? Bakit naman siya mag-aalala sakin? Wala namang nangyari sa akin na masama.

"Uh... why?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi mo ba alam kung anong nangyayari?" tanong ng isang lalaki na pamilyar ang boses.

Pag-lingon ko...

Si Kean?! Anong ginagawa niya dito?
Ano ba talaga ang nangyayari.

Tinignan ko lang sila na para bang nag-tataka at naguguluhan.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon