=x=x=x JAMIE x=x=xMasaya ako.
Masaya ako dahil hindi sumuko si Jake sa panliligaw niya, pero bakit ganon? Parang ako ang natatakot para sa kaniya...
Nagi-guilty ako dahil parang may mali.
Mali nga ba na mag-sama kaming dalawa? Naguguluhan na ako dahil sa sitwasyon namin.
Nandito na kami sa isang fancy restaurant ni Jake, hindi ko alam kung bakit sa isang fancy restaurant pa niya ako dinala eh okay lang naman sakin kahit fast food nalang, mas mabilis pa mag-serve. Okay nga lang din kahit street foods nalang eh.
"Jake, bakit sa mamahaling restaurant mo pa ako dinala?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Tiningnan niya ako sa mga mata ko, shet NAKAKATUNAW ang mga titig niya.
"Isipin mo nalang na ito ang first date natin, baby girl. Minsan nalang kasi tayo makakakain together, kaya dapat sulitin natin." nakangiti niyang sabi.
Ha?!?! Date?!
"D-date agad? H-hindi pa naman tayo diba?" nauutal kong sabi.
Napatawa siya, tinanggal niya na ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.
"Oo nga, ang sabi ko... isipin mo lang. Hindi ko naman sinabi na ito na talaga ang first date natin diba?" natatawa niyang sabi.
Napakamot ako sa bangs ko.
Oo nga naman, sabi niya isipin ko lang, wala siyang sinasabi na first date na talaga 'to, aish! So stupid talaga.
Binigyan niya bigla ako ng isang red rose, ang sweet ah.
"Saan galing 'to?" tanong ko.
"Binili ko yan kanina bago kita sunduin, dapat kanina ibibigay sayo yan pag-sundo ko... pero ang daming tao eh, baka kung ano pa ang pumasok sa isip nila kapag nakita nilang binigyan kita ng rose. Baka mainis yung mga fan girls ko sayo." sambit niya.
Ahh...
"Ahh, okie!" sabi ko.
Buti nalang talaga nag-iisip muna si Jake bago niya gawin ang isang bagay. Isa yun sa mga nagugustuhan ko sa kaniya, teka... matalino kaya siya sa academic?
"Jake, matalino ka ba?" bigla kong tanong.
Wala lang, gusto ko lang malaman, ako kasi hindi ganon katalino pero sabi ng iba... matalino daw ako, ewan ko lang kung totoo yun.
"Bakit mo naman naitanong yan?" nagtataka niyang tanong.
Napakamot nanaman ako sa bangs ko.
"Wala lang, gusto ko lang makilala ang buong pagka-tao ng manliligaw ko." sambit ko.
Napangiti siya...
Nagpakawala siya ng buntong hininga.
"Fine... I'll tell you a few things about me... pero sana hindi ka ma-turn off sa mga malalaman mo tungkol sa akin." natatawa niyang sabi.
Napatawa nalang din ako, haha! Ang cute niya kapag nahihiya.
"Matalino lang ako pag-dating sa mga practical na bagay. May nakapag-sabi sa akin dati noong first year highschool ako... magaling daw ako magbigay ng advice. Pero alam mo? Kahit kailan... hindi ako naging Top 1 sa klase. Well, noong 2nd grade ako.. hmm naging first honor ako, mula kinder hanggang 1st grade lagi akong 2nd sa klase. Tapos noong grade 3 ako hanggang grade 4.. napunta ako sa 3rd. Haist... life is getting harder I guess... pero noong grade 5 naman ako, yun ang pinaka masaya ko, hindi ko na muna sasabihin kung bakit pero bumalik ako sa pagiging 2nd noon. Noong grade 6... aish! Putik! 3rd nanaman. Then highschool... nawala na! Haist! Tinamad kasi akong mag-aral nung time na yun. Halos lahat yata ng major subjects bagsak. Pero hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng ganang mag-aral noon... siguro dahil nahiwalay na ako sa mga dati kong kaibigan... haist... nawalan din ako ng inspirasyon, nung nag 2nd year ako, wala pa rin ako sa Top pero yung grades ko bawing bawi... walang mababa. Naging masaya na din ako noon pero bandang huli... nalungkot din ulit ako, dahil nalaman kong may aalis sa mga kaibigan ko, yung kaibigan ko na siyang dahilan kung paano ako naka-move on from the past. Aish! Lahat nalang sila iniiwan ako noh? Saka ko nalang ikukwento yung iba... kumain nalang muna tayo, sana alam mo na ang sagot sa tanong mo sa akin kanina." ang napaka-haba niyang kwento...
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomantizmA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.