Chapter 43: Space

511 19 0
                                    


=x=x=x PRINCE x=x=x=

Hinihintay kong bumalik si Jamie mula sa rest room.

Medyo matagal yata siya kaya naisipan ko nang sundan siya at tignan kung okay lang siya.

Pero patayo palang ako...

Nakita ko siyang papalapit na at naupo na ulit siya sa harap ko pagbalik niya.

Mukhang malungkot siya, parang kakatapos niya lang umiyak.

"Uh... are you okay?" nag-aalala kong tanong.

Hindi siya sumasagot...

Lalo akong nag-alala.

Ano kaya ang nangyari? Bakit kaya siya malungkot?

Aish... paano ko ba siya kakausapin?

"A-anong nangyari?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang umiling then bigla nalang siyang umiyak.

Hindi niya na siguro natiis yung lungkot na nararamdaman niya.

Since hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at papatahanin...

Kinuha ko nalang ang panyo sa bulsa ko at dahan-dahang pinunasan ang mga luha niya.

"Hey... tell me... what's wrong? What happened?" tanong ko.

Sandali kaming natahimik at maya-maya ay tumingin siya sa akin. Her face was so sad that when I saw it...

It made me feel sad too.

"W-wala na... s-si.. Jake." she said with a weak voice.

Ha?! W-wala na si Jake? Paano yun?

Paano na sasaya si Jamie ngayon kung mawawala siya nang tuluyan?

Haist... paano na 'to.

Hindi parin tumitigil ang pag-patak ng mga luha ni Jamie, nasasaktan din ako para sa kaniya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa kotse.

Tahimik kaming pareho at nakatingin lang ako sa kaniya habang umiiyak parin siya. Yung iyak na tahimik lang pero patuloy na tumutulo ang mga luha.

Dahan-dahan ko ulit pinunasan ang luha niya gamit ang panyo.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Jamie... lilipas din 'to. Balang araw... makakalimutan mo din lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon." sabi ko.

Umiwas siya ng tingin.

"Hindi ganon kadali 'yon. Hindi ganon kadali na kalimutan siya." mahina niyang sabi.

Hinarap ko ang mukha niya sa akin at hinimas ang mga pisngi niya.

"That's why i'm here, Jamie... I'm here to help you forget all the pain that you're feeling." sabi ko.

Tumulo nanaman ang mga luha mula sa mga mata niya.

Nasasaktan talaga ako pag nakikita siyang umiiyak.

I really hate to see her cry like this.

What am I going to do?

How am I going to make her feel better?

Aish...

"Jamie, I know it's hard for you to take all these pain. If only I could take it all from you, I will." sabi ko na malapit na rin maiyak.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon