Chapter 10: I'm Here For You

1.3K 29 1
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

Kinabukasan...

Pag-gising ko, naalala ko agad na tumawag si Jamie kagabi.

Rinig ko ang pag-iyak niya. Sabi niya niloko daw siya ng boyfriend niya kaya kailangan niya daw ng kausap.

Nalulungkot ako para sa kaniya, naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya ngayon. Pareho na kaming iniwan ng mahal namin.

Bumangon ako sa kama at kinusot ko ang mga mata ko sabay hikab.

Agad akong nag-handa ng isusuot ko bago ako naligo.

Habang nasa shower, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin si Jessica pati narin si Jamie.

Hindi ko alam kung bakit pero... mas iniisip ko si Jamie ngayon. Baka dahil nga pareho kami ng sitwasyon.

Pag-katapos kong maligo ay nag-bihis na ako. Hindi ko na inayos ang buhok ko... mas lalo ko pang ginulo, halos lahat kasi ng lalaki fixed ang buhok eh, maiba naman para unique...

Messy hair? Don't care!

Gumawa ako ng simpleng sandwich para kainin ko sa sasakyan.

Syempre bago ako umalis... kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa desk ko.

Sinuot ko ang hood ko at umalis na.

Habang nag-dadrive... kinakain ko yung sandwich na ginawa ko at gumawa na rin ako ng extra para kay Jamie.

Mga ilang minuto lang eh nakarating na ako sa harap ng gate nila Jamie.

Nahihiya akong bumusina dahil baka may mga natutulog pa, ang aga pa kasi eh.

Kumatok ako sa gate...

May babaeng nag-bukas, hindi ko siya kilala pero as usual... kilala niya ako.

"Jake? Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na nasa harapan kita ngayon! Bakit ka napapunta? May kailangan ka ba?" masaya niyang tanong.

"Uhh, susunduin ko lang sana si Jamie... gising na ba siya?" nakangiti kong tanong.

"Ay, nako... tulog pa yata... gigisingin ko nalang, pasok ka muna!" masaya niyang sabi.

So sabay kaming pumasok sa loob at pinaupo niya ako sa sofa.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko.

"Uh, ako si Kyla... kapatid ako ni ate Jamie." nakangiti niyang sagot.

"Ahh, nice to meet you, Kyla!" nakangiti kong sabi.

"Nice to meet you too, Jake! Sige, tawagin ko na muna si ate." masigla niyang sabi.

Tumango nalang ako habang nakangiti.

Umakyat na siya para tawagin si Jamie.

Ilang segundo lang ay may dumating na lalaki, matangkad, mukhang mature na pero hindi siya ganun katandang tignan.

Tumayo ako...

"Goodmorning po!"

"Magandang umaga din, ikaw ba si Jake?" seryoso niyang sabi.

"Uh, ako nga po!" nakangiti kong sabi.

"Well, it's nice to finally meet you! Ako si Daniel (Day-niel) Santi, ako ang nag-iisang magulang ni Jamie" nakangiti niyang sabi.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon