=x=x=x JAMIE x=x=x=Pagkatapos naming kumain, tumambay kami sa rooftop ng isa sa mga hotels ni Jake.
Dito kasi nag-aya si Kean at sangayon naman kaming lahat.
Maganda naman dito, maganda ang view at ang sarap magpahangin dito.
Magkakatabi kaming lahat, pareparehong nakatingin sa view habang naguusap.
"Pangarap ni Jake ang maexperience ang ganito kasama tayong lahat." sabi ni Kean.
Napatingin kaming lahat sa kaniya habang siya naman ay diretso lang ang tingin.
"Dapat pala ginawa na natin 'to habang nandito pa siya." sabi ni Drake.
"Kung pwede nga lang ibalik ang oras eh." sabi ni Hudson.
"Kung posible ngang mangyari, bakit hindi?" sabi ni kuya Rafael.
"Pero alam niyo? May natutunan ako sa pagkawala ni Jake..." dagdag ni kuya Rafael.
Tumingin kaming lahat sa kaniya.
"Dapat ipakita natin sa mga taong mahal natin kung gaano natin sila kamahal, dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala." pagpapatuloy niya.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Tama siya.
>Now Playing: Two! Three! by BTS<
Miss ka na naming lahat, Jake.
Patuloy lang kaming nakatitig sa view habang nakaupo.
Nakakagaan ng loob yung simoy ng hangin dito sa rooftop.
Nakita kong nakasandal yung wife ni kuya Rafael sa kaniya... ganon din sila Dwayne at Mariel.
Nakakainggit talaga.
Nagulat ako nang biglang naupo si Jessica sa tabi ni Prince... nasa gitna na namin si Prince ngayon.
Napatingin kami ni Prince sa kaniya.
"Mind if I join you guys?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Prince.
"Uh... sige, no problem." sabi ni Prince.
Ako naman ngumiti lang.
Wala naman talagang problema eh.
"Nakakamiss talaga si Jake, noh?" sabi ni Jessica.
Napatingin ako sa kaniya...
"Alam niyo... sa una lang mukhang bad boy si Jake, pero pag nakilala niyo na... iba pala. Masarap pala siyang magmahal at masarap din siyang mahalin." nakangiti niyang sabi habang diretso lang ang tingin.
Kahit nakangiti siya, halatang malungkot siya.
Napatawa siya...
"I was so stupid... I chose to leave him behind. Kaya nasaktan ko siya... I'm so stupid for replacing the only person who's always there for me." malungkot niyang sabi.
Kahit EX siya ni Jake... nalulungkot ako para sa kaniya.
Sa totoo lang nung hindi pa kami ni Jake noon... I ship them both. Bagay kasi sila.
"Alam mo, Jamie... buti nalang... dumating ka at nakilala ka niya. Dahil kung hindi... baka nasasaktan parin siya hanggang ngayon." sabi niya.
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomanceA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.