Chapter 35: Still Yours

607 17 0
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

Malapit na yung concert ko...

Hindi na dapat ako magpaapekto sa mga nararamdaman ko ngayon.

Kailangan kong mag focus.

Ilang araw na akong ganito... mukhang ewan dahil sa pagmumukmok.

Saktong December 25 ang concert ko.
Aish! Tinapat talaga nila sa araw ng pasko.

Naisip ko nalang na sabihin kina kuya at Dwayne na pumunta sa concert ko. Ewan ko lang kung pupunta si Jamie pero inabutan ko si Prince ng ticket para ibigay niya iyon kay Jamie. Dalawa ang binigay ko... ang isa ay para sa kaniya para may kasama si Jamie kung sakaling pupunta siya.

Mag-isa ako ngayon sa rooftop habang umiinom ng alak. First time ko sinubukang mag-lasing.

Hindi talaga ako umiinom ng mga ganitong inumin. Hindi ako nagkaganito noong iwan ako ni Jessica. Pero... iba talaga yung sakit nang iniwan ako ni Jamie.

Phone Ringing...

Tinignan ko ang cellphone ko at si Kean ang tumatawag.

Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?" malata kong sabi.

"Hello, Jake... nasaan ka ngayon? Nandito kami ni Drake sa harap ng kwarto mo." sabi niya.

"Ha? Nasaan nga ba ako? N-nasa rooftop ako ng-ngayon." sabi ko at halatang halata na lasing na ako.

"Jake? Lasing ka ba? Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Kean.

"Ha?! Anong lasing?!... hindi ako naglalasing!" sigaw ko habang pagewang gewang na naglalakad papunta sa bench. Nahihilo na ako.

"Anong hindi? Hintayin mo kami diyan! Papunta na kami." sabi ni Kean.

Hindi na ako nakapagsalita dahil ang sakit na ng ulo ko at in-end niya na din yung tawag.

Call Ended.

Nakaupo na ako sa bench pero sa sobrang hilo ko...

Lumuhod ako sa sahig at nag-suka.

Hindi talaga ako sanay sa ganito.

"Jake!" rinig kong sigaw ni Kean.

Nilapitan nila ako at tinulungang makatayo.

"Jake, ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Drake.

Napulot ni Kean ang bote ng alak na iniinom ko kanina.

"Sabi ko na nga ba nag-lasing 'tong si Jake eh. Nakailang bote kaya 'to?" rinig kong sabi ni Kean.

"Aish! Ano nang gagawin natin ngayon? Dadalhin na ba natin sa kwarto niya?" tanong ni Drake.

"Baliw ka ba? Nagsusuka pa siya... kaya mas mabuti sigurong dito muna siya para mahanginan siya." sabi ni Kean.

Inupo nila ako sa bench.

"Bakit ka ba kasi naglasing ha, Jake? Hindi mo naman ginagawa 'to since birth." sabi ni Drake.

"Siguradong may malaking problema siya... hindi naman siya maglalasing kung wala eh. Ayaw niya nga sa alak eh." sabi ni Kean.

Nakapikit na ako sa sobrang sakit ng ulo pero naririnig ko parin silang naguusap.

Pero hindi rin tumagal... tuluyan na akong nawalan ng malay.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon