=x=x=x JAMIE x=x=x=It's been a month...
Ang bilis talaga ng takbo ng oras, hanggang ngayon wala parin si Jake.
Si Prince ang laging nandito para sa akin, siya nalang ang nagpapangiti sakin at nagpapatawa kapag nalulungkot ako.
Tinulungan niya akong makapag move on kay Jake.
Pero kahit nakapag-move on na ako, mahal ko parin talaga siya, hindi naman basta basta mawawala yun.
"Princess, kanina ka pa tulala ah, ano'ng iniisip ng prinsesa ko?" nakangiti niyang tanong.
"Uhh, wala... masaya lang ako ngayon, hindi ako makapaniwalang nakapag-move on na din ako." nakangiti kong sagot.
Nasa mall kami ngayon at nasa isang fast food restaurant kami.
"Ahh, ganon ba? That's... good." sabi niya.
Ngumiti nalang ako.
Nagpatuloy na kami sa pagkain.
Natigilan ako nang makita ko yung isa sa mga kapatid ni Jake na si Dwayne.
Mag-isa lang siyang nakaupo at mukhang malungkot siya.
Dahil ba 'yon sa kuya Jake niya na nawawala parin hanggang ngayon?
Gusto ko siyang lapitan pero baka kailangan niya muna ng space at nagde-date kami ni Prince ngayon.
Maybe next time...
So pagtapos naming kumain, nag window shopping lang kami, pero may mga binili din siyang mga damit para sakin.
Habang naglalakad kami, parang natigilan siya pagtingin niya sa baba.
Tinignan ko kung ano ang tinititigan niya at nakatitig siya sa sapatos ko na binigay niya sa akin one time.
Nagtataka talaga ako noon eh...
Ang mahal nito pero binili niya parin.
"Prince, bakit ganiyan ang tingin mo sa sapatos ko? Diba ikaw may bigay sa akin nito? Hindi ba bagay?" sunod-sunod kong tanong.
Bigla siyang tumigil sa pagtitig at ngumiti sa akin.
"Ahh, wala. B-bagay na bagay kasi sayo eh." sabi niya.
Ngumiti ako at nag-thank you, pero bakit parang may something sa pagtingin niya sa sapatos ko? Parang malungkot siya habang nakatingin.
Hmm, never mind.
Pauwi na kami at nung nasa parking na kami, saktong nakasalubong namin si Kean.
"Jamie?" sabi niya at tumawid ang tingin niya mula sa akin hanggang kay Prince.
Mukhang hindi siya masaya.
"It's n-nice to.... see you again." sabi niya. Pero medyo serious mode siya ngayon.
Ngumiti ako.
Tumingin ulit siya kay Prince at lalong naging seryoso ang tingin niya.
"Prince... right?" tanong niya.
"Uh... yeah, i'm Prince." sagot ni Prince.
"I'm wondering why the two of you are together. Let me guess... do you have an appointment together? Do you have a group project or something?" mga tanong ni Kean.
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomanceA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.