=x=x=x JAMIE x=x=x=>Now Playing: Butterfly by BTS<
Few weeks later...
Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang inaalala si Jake.
Hindi parin siya bumabalik hanggang ngayon. Unti-unti na 'kong nawawalan ng pag-asa.
Baka nga...
Wala na talaga siya.
Malungkot ako pero... wala nang tumutulong mga luha mula sa mga mata ko.
Siguro naubos na 'yon kaiiyak ko araw-araw sa tuwing iniisip ko siya.
Tulala nalang ako ngayon habang nakaupo at pinapanuod ang pag-lubog ng araw.
Hindi na rin kami nagkikita at nag-uusap ni Prince. Hindi niya na ako pinupuntahan o tinatawagan.
Siguro...
Nasaktan siya sa mga sinabi ko nung huli kaming mag-usap.
Tumayo ako at tinignan yung inukit ni Jake.
Napangiti ako...
"Kung nasaan ka man ngayon, Jake... hinding hindi kita makakalimutan. Marami akong natutunan mula sayo... salamat ah?" sabi ko habang nakatitig sa inukit ni Jake sa puno.
Pagkatapos ay umalis na ako...
Habang naglalakad akong mag-isa...
Patuloy parin ako sa pag-iisip.
Wala na ba talaga siya?
Hindi na ba talaga siya babalik?
Miss ko na siya... sobra.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako. Buti wala siyang bit-bit na kahit ano at buti nalang hindi siya natumba.
Pero gulat ako pag-angat ko ng tingin.
"P-Prince?"
Naging malikot ang mga mata niya, parang hindi siya masyadong komportable na nakita niya ulit ako.
"J-Jamie..." nabubulol din siya.
"Uh.. kamusta ka na? Ilang l-linggo na tayong hindi nag-uusap. O-okay ka na ba?" nabubulol at concern niyang tanong.
Hindi talaga siya makatingin nang diretso sa mga mata ko.
"Okay naman ako... m-mas okay na ako ngayon kaysa nung mga nakaraan." sabi ko.
Tumango-tango siya.
"Mabuti naman kung ganon... i'm glad to see you heal." sabi niya sabay ngiti.
Ngumiti nalang din ako.
"I-ikaw??? Ano'ng nangyari sayo? B-bakit hindi ka na nagpapakita sa akin?" diretso kong tanong.
Parang natigilan siya at parang iniisip niya kung ano ang sasabihin niya.
"Uhm.. that is because... I care about you." sabi niya.
Napakunot ang noo ko...
"Ha?"
"Naalala mo ba nung huli tayong nag-usap? Simula n'on, na-realise ko na kailangan mo ng space para mas makapag-move on ka nang maayos. Baka kasi mas mahirapan ka kapag... kinulit pa kita." sabi niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomanceA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.