=x=x=x JAKE x=x=x=Pinasakay ko na ng sasakyan si Jess. Mukhang nagulat din siya nung nakita niya yung sasakyan ko, parang si Jamie...
Pinag-buksan ko din siya ng pinto at sumakay na rin.
"Saan ba kita ihahatid?" seryoso kong tanong habang inaayos ko ang seat belt ko.
"Hindi ko alam eh... ayaw ko pang umuwi." walang gana niyang sabi.
"Bakit? Baka hinahanap ka na ng parents mo." sambit ko.
"Wala sila dun... naiwan sila sa England."
Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at pinaandar ko na ang sasakyan.
"S-saan mo ko dadalhin?" inosente niyang tanong.
"Isasama nalang muna kita." seryoso kong sagot.
Hindi na siya nag-salita at tumingin nalang siya sa labas, pinapanuod niya yung mga nadadaanan namin. Kung awkward kaming dalawa ni Jamie... mas naging awkward nung si Jessica ang kasama ko.
Nag-patugtog nalang ulit ako.
>Now Playing: Love Is Not Over by BTS<
Naalala ko nanaman ang pag-halik ko sa kaniya...
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko yun, nadala siguro ako ng emosyon ko.
Oo, mahal ko parin talaga siya.
Inamin ko naman sa kaniya kanina bago ko siya halikan.
Tumingin ako sa kaniya at tulala lang siya, parang may malalim na iniisip.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Napatingin siya sakin...
"Ha?" inosente niyang tanong.
"Ang sabi ko... okay ka lang ba?" pag-ulit ko sa tanong.
"Ah, oo naman... bakit?" sabi niya.
"Wala, mukhang may pinoproblema ka kasi eh." sambit ko.
Iniwas niya na ang tingin niya sakin.
Ang ganda niya talaga kahit anong emosyon ng mukha niya.
=x=x=x KEAN x=x=x=
Aish! Ang tagal naman ni Jake...
Kanina pa kami nag-hihintay, ano ba ang nangyayari dun at lagi na siyang late dumadating?? Dati lagi siyang nauuna samin ah.
"Drake, text mo kaya si Jake..." seryoso kong utos.
"Okay..." matipid niyang sabi.
Pag-bukas ni Drake ng cellphone niya eh saktong dumating si Jake.
Hindi namin siya kita sa loob ng sasakyan niya pero alam namin ang plate number niya at bihira ang mga taong may ganun na sasakyan.
"Ayan na pala eh." sambit ni Drake.
Ang lakas talaga ng dating ng sasakyan ni Jake, ang galing niya pa mag-park ng sasakyan, isang liko lang ay ayos na ang pagkakapark.
Nakatingin lang kaming lahat.
Bumaba si Jake ng sasakyan at umikot papunta sa kabilang side ng kotse.
Huh? May kasama ba siya?
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomansaA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.