=x=x=x JAMIE x=x=x=Nakarating na kami ni Prince sa restaurant na kakainan namin kasama ang mga kaibigan ni Jake.
Mukhang mahal ang mga pagkain dito. Aish, bakit pa kasi dito nag-aya si Kean?
Rich kid kasi eh.
Nag-park na si Prince at sabay kaming bumaba ng kotse.
"Mukhang mahal ang mga pagkain dito ah." sabi niya.
Pareho pala kami ng iniisip.
"Jamie! Nandito ka na pala!" pagsalubong sa amin ni Kean habang nakangiti.
Napansin niya na may kasama ako kaya bigla siyang tumingin kay Prince.
"Oh... you must be... Prince." nakangiti niyang sabi.
Kilala niya si Prince?
Napatingin si Prince sa akin pero ibinalik niya din agad ang tingin niya kay Kean.
Parang nagtataka din siya na kilala siya ni Kean pero tumango nalang siya.
"Uh... magkakilala na pala kayo?" sabi ko.
Tumingin si Kean sakin...
"I know him... but I don't know if he knows me." sabi ni Kean.
"P-paano mo ako nakilala?" tanong ni Prince.
Parang nagisip sandali si Kean.
Bigla siyang nag-snap.
"Ah! Nung Year End Ball... nakita ko siya dun, nakita ko siya nung magkasama kayo. Jake told me his name." sabi ni Kean.
"Ahh..." sabi namin ni Prince.
"So... tara! Pasok na tayo sa loob. Naghihintay na yung iba eh." sabi ni Kean.
Tumango nalang ako habang nakangiti.
"Uh.. Kean, wait!!" sigaw ko.
Lumingon siya sakin.
"Hindi ba mahal dito?" nahihiya kong tanong.
Napatawa siya.
"Don't worry... it's all on me." nakangiti niyang sabi.
Pumasok na siya sa loob at nagkatinginan nalang kami ni Prince.
Teka... bakit may kakaiba akong naramdaman nung magkaharap si Prince at si Kean? Parang... may iba.
Pumasok na kami ni Prince at nakita naming nakaupo lahat ng kaibigan ni Jake sa isang malaking table. Nandun din ang mga kapatid niya.
Simple lang ang dating nilang lahat. Parang hindi nila masyadong pinapahalata na mayaman sila...
Parang si Jake.
Nahihiya tuloy ako, nagmake-up pa ako... buti simple lang.
"Oh, Jake's baby girl is here." sabi ni Drake.
"Hi, Jamie!!" bati nung iba.
"Tara, maupo na kayo ni..." sabi ni Drake pero parang hindi niya alam ang pangalan ng kasama ko.
"Prince." nakangiting sabi ni Prince.
"Ahh... nice to meet you, Prince." sabi ni Drake.
BINABASA MO ANG
You're My (Completed)
RomansA story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And the two who made each other realise that the ENDING is a reason for a new BEGINNING. YOU'RE MY by Neon_Wolfzie.