Chapter 11

61 2 2
                                    

Mia P.O.V

"Mia?.. MIA!" Naputol naman ang pagtutunganga ko nang bigla akong alugin at sigawan ni Drea.

"Ano ba?" Reklamo ko.

"Nakikinig kaba? Hay naku MIA! May quiz tayo mamaya! Dika pa nagreview!" Aniya sabay kamot sa ulo niya na parang naiinis.

"Oo na! Ano ba yan?" Tanong ko sabay agaw sa notes niya.

"Taxation ate! Kanina ka pa kasi nakatunganga dyan! Ano bang iniisip mo aber?" Tanong niya kumunot lang ang noo ko sabay iling.

"Wala huh?" Pagtatanggi ko.

"Sus! Ako pa lokohin mo! Sino yan? Si Red?" Dirediretsyo niyang tanong. Aba? Makapag'SINO' wagas? Tsk!

"Oo na!" Sabi ko. Suko na ako. Si Red naman talaga ang may kasalanan eh. -___- Tsk! Hindi ko parin makalimutan ang halik niya >////<

"Sus! Ano na naman ang ginawa sa'yo?" Tanong niya.

"W-wala! Magreview na nga tayo! Ikaw napakachismosa mo." Sabi ko sakanya saka ko kunyare binabasa ang notes niya sa taxation.

"Tsss. Wala daw! O siya siya! Magreview na then tayo." Aniya.

So? Ayun! Nagreview nga kami. Pero, truly? Walang pumapasok sa kokote ko. Puro RED! Hay! Nabanggit ko na naman pangalan niya! Am I really falling for him na? TsK! Uncertain pa ang nararamdaman ko pa naman ?_?

Habang taimtim akong nagrereview KUNNO.. *poke* *poke*

"Hmm?" Tanong ko dito ng hindi lumilingon.

"Mia. Break ka muna dyan. Masyado ka nang studious." Napalingon naman ako sakanya.

"Ano kaba? Minsan lang to? At bakit dika nagrereview?" Tanong ko sakanya. Napakamot naman siya ng batok.

"Uh- eh.. Kindatan ko lang si Ma'am Fabias pasado na ako." Aniya. Nanliit naman ang mga mata ko sakanya.

"Ganyan na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo Red? GGSS mo ah!" Sabay irap ko sakanya at baling ng tingin ko sa notes.

"Tsss. Gwapo naman." Aniya.

"Eng-eng mo!"

"Mahal mo pa." Napalingon ako sakanya na nanliliit na ang mga mata. Inaasar ako ng lalakeng to ah! Hmmm. Basagin ang trip.

"Nagsabing mahal kita? MINAHAL kita yun yon!" Pagdidiin ko pa sa word na 'MINAHAL' hehehe. Natulala naman siya. Ngumising aso lang ako at nagpatuloy sa pagrereview.

"Tumigil nga kayong dalawa! At oo nga Red bakit dika nagrereview? Isusumbong kita sa mga magulang mo niyan." Pagbabanta ni Drea.

"Oh! Nagrereview ako oh?" Sabi ni Red sabay turo sa notes na hawak ko.

"uy! Uy! Uy! Anong ito? Bawal makishare no? Magreview ka mag-isa mo." Sabay irap ko sakanya.

"Babe naman." Aniya.

"Sus! Wag mo nga akong matawag tawag na babe Red. Walang tayo." Sabi ko sakanya na hindi nakatingin.

"Hussh!" Sabay naming sabi ni Drea. Kaya natigilan na si Red sa pagdadada.

Matapos ng masinsinang pagrereview ay pumasok na kami sa klase namin. Ang Taxation bow! Hehe. Magqquiz daw kami eh. Kahit papano may pumasok sa maliit kong utak. Pero sure ako... After nito burado agad lahat hehe.

"Mia.. Goodluck!" Pabulong na sabi ni Drea. Kinindatan ko lang siya.

"Shaun.. Good Luck!" Sabi ko kay shaun na nasa right side ni Drea. Napatingin naman si Drea kay Shaun.

Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon