Chapter 12

64 3 0
                                    

I dedicate this chapter to danicA_andrie

~*~

Mia P.O.V

Lumipas ang mga araw na ganun ang pakikitungo sa akin ni Red. Hindi siya nagsasawang suyuin ako, lambingin ako... Parang unti-unti narin akong bumibigay sakanya. Pero.. Parang may bumabagabag sa kalooban ko na pinipigilan akong wag muna siyang sagutin. Hindi ko alam kung ano ito pero ang alam ko'y takot o kaya'y kaba lamang ito.

Araw ng Linggo ngayon at nakahilata ako sa higaan. Iniisip ang lahat ng pinag-gagawa ko ng isang linggo. Magdadalawang buwan na ang pangliligaw sa akin ni Red. Hindi ko nga alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Patulong naman oh?

Malapit na ang finals ng 2nd semester at magiging 4th year college na kami. Parang kelan lang na 1st year kami? Parang kelan lang noong nagkakakilala kami. Si Andrea, Si Sandara, Si Kuya Luhan, Si Red.. Well Para kay Shaun ngayon lang kasi namin siya nakilala. :// Pero nagiging malaking parte narin siya ng buhay namin. Lalong-lalo na kay Drea ^_^

'Hay! Ano kayang gagawin ko ngayon?' sabi ko sa isip-isip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng silensyo ay biglang tumunog ang phone ko.. Kinuha ko ito at tiningnan ang nagtext.

From: Red Sy <3

Good Morning Babe! Can we go out today? Please?

Hindi ko maiwasang mapangiti sa nareceive kong text message ni Red. Gustuhin ko mang tawagin siyang babe pero hindi pa pwede eh. Kelangan ko munang mapagdesisyonan ang tamang isasagot ko sakanya. Hays! Buhay maganda.. Haha Joke! T_T

To: Red Sy <3

Good Morning too. Sige I'll prepare lang muna. Sunduin mo ako. ;)

//sent

Okay.. Lalabas kami ngayon. Wala kasing magawa.

Agad akong tumayo sa higaan at pumunta na ng CR para magsimulang linisin ang sarili ko.

Pagkatapos ay agad akong nagbihis at nagpaganda.

*beeeeeeeeeeep!*

Isang malakas na busina ang narinig ko mula sa labas. Si Red na ata yun.

"Anak! Yung suitor mo naghihintay sa labas!" Sigaw ni mama mula pa ata sa living room.

"Opo ma!" SAgot ko nalang. Agad kong tinapos ang paglalagay ng blush on at pagboblower sa buhok ko at kinuha ko na ang sling bag ko.

I am wearing a white crop top and a skirt na color maroon and a gladiator sandals. And my hair style is like ariana's hair(Ariana Grande). ^_^

Paglabas ko ng kwarto ay bumaba ako sa living room. Nadatnan ko doon si Mama na nag-aayos.

"Ma! I'll be coming home late this afternoon okay?" Pagpapaalam ko saknya saka ako nakipagbesobeso at niyakap ko siya.

"Okay anak. Basta wag masyadong pagabi." Aniya. Tumango lang ako.

"Ang ganda mo talaga anak." Dagdag pa niya.

"Haha. Alam ko na yan ma. San paba ako nagmana?" Pagbibiro ko naman. Tumawa nalang kaming dalawa.

"Magdadalwang buwan nang nanliligaw si Red sa'yo ah? Alam mo na ba ang sagot?" Tanong ni mama.

"Oo nga po eh. Pero naguguluhan parin ho ako." SAgot ko.

"Okay lang yan anak. Take time. Kung mahal ka talaga niya, he can wait." Aniya. Nginitian niya ako at ginantihan ko rin ng ngiti.

*beeeeeeeeeeeeep!*

Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon