Chapter 19

35 1 1
                                    


Mia P.O.V

Weeks have passed at sa makalawa na ang final exam namin. Hindi ako makapaniwala na sobrang tatag ng relasyon naming dalawa. Pero diko talaga maiwaglit sa isipan ko ang napagusapan namin ni Ate Lynsey sa kwarto niya noong bumisita ako sa bahay nila.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

FLASHBACK

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mia lika muna sa kwarto chika chika muna tayo." Ang masayang yaya sa akin ni Ate Lynsey tumango lang ako saka ako nagpaalam kay Red. Noong una ayaw niya pero ako na rin ang nagpumilit kaya pumayag na rin siya.

"Lika dito sa salamin papagandahin kita." Ang masayang sabi ni ate lynsey.

"Bakit ate di ba ako maganda?" Ang medyo nagtatampong tanong ko kay ate Lynsey.

"Hehe. Di naman. Ikaw talaga. Kilala mo ba si Joanne?" Ang biglang tanong ni Atee Lysney habang nagsisimula na siyang ayusin ang buhok ko.

"Uhm.. Sinong Joanne ate?" Ang tanong ko.

"Joanne Gonzales. Baka kakilala mo lang pareho kasi kayo ng surname." Ang sagot naman niya.

"Uh.. Ate She's my cousin." Ang sagot kong nakangiti. Napansin ko naman sa repleksyon naming nagulat siya sa sagot ko.

"Really?" Ang di makapaniwalang tanong niya.

"Opo. Nagkita na nga po sila ni Red noong reunion naming mga gonzales eh." Ang sagot ko dito.

"OMG! Anong reaksyon mo? Nasaktan kaba? Kinabahan? Nagtaka?" Ang sunod sunod niyang tanong.

"Malamang ate? Magiging masaya ba ako kapag nalaman kong fling ng BF ko dati ang PINSAN ko?" Ang pamimilosopo ko at pagdidiin ko sa salitang pinsan. Bigla nalang niya akong binatukan.

"Mamimilosopo ka pa eh no? Sorry naman." Ang sabi niya.

"Hehe. Kasi naman talagang nainis ako noon eh. Mga titig palang nila kahinahinala na." Ang medyo patampo kong sambit.

"Haha. Don't worry Mia. Alam ko namang sa'yo lang si Red eh.. Botong boto kami nila Dad at Mom sa'yo kesa kay Joanne napaka salbahe niya. Kung alam mo lang." Napakunot naman ako sa huling binanggit ni Ate Lynsey.

"Kung alam ko lang ang ano?" Ang diko maiwasang maitanong.

"Sus! Pumupunta nalang yang Joanne na yan dito sa bahay kahit di naman sinasabi ni Red. Tsk! Tapos kapag kaharap pa si Red kala mo pinukpok na suso(Snail) sa sobrang bait. Pero kapag wala naman eh magtataka ka kung saan niya itinago ang sungay at buntot nito." Ang medyo iritadong sagot ni Ate Lynsey.

Di ko naman maiwasang matawa. "Haha. Talaga? Di na bago yan Ate. Simula bata palang kami ganyan na siya. Salbaheng bata. Spoiled kasi masyado." I said between laughs.

"At alam mo ba? Siya yung nagbibigay ng Red Letter kay Red? Grabe! Kung mabasa mo lang ang mga nakalagay doon. Tsk!" Sabay flip niya ng hair. Natulala naman ako sa sinabi niya.

'Siya ang nagpadala ng sobreng yun?' ang tanong ko sa isip isip ko.

"huy! Tunga-nga ka dyan?" Ang nagpabalik sa ulirat ko.

"Ah-eh. Hehe. Yun ba yung binigay mo noon sa akin?" Ang tanong ko dito.

"Oo yun yon. Nabasa mo ba?" Sabi niya. Umiling ako.

Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon