Chapter 27

22 1 0
                                    


Andrea P.O.V

Hindi na ako mapakali dahil sa mga nangyayare sa buhay naming magkakaibigan. Naaawa na ako sa kalagayan ni Red at Mia. Oo nagsisisi akong tutol ako sa relasyon nilang dalawa noon. Pero hindi pa huli para itama ko ang pagkakamali ko.

Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa Robinsons. Dito kami magkikita ng Private Investigator na aking inutusan para manmanan ang mga kilos ni Clifford at Joanne. Tinawagan niya ako bandang mga 9am at gusto niyang makipagkita sa akin ngayon 1pm dito.

Kanina pa ako naririto pero 20 minutes late na siya. Nagtataka na ako bakit siya na-late. Tatayo na sana ako nang masilayan ko itong papasok na kaya naupo na ako.

"You're late." Ang mataray kong bungad sakanya nang makarating siya sa akin.

"Sorry. Here." Aniya sabay lahad ng isang brown envelope. Kinuha ko naman ito at saka ko sinilip ang laman.

"Mga litrato yan ni Joanne at Clifford at Joanne na magkasama. At.." May kinuha siya sa bulsa niya. Ang cellphone niya.

"Ano yan?" Alam kong katangahang tanong to pero ang ibig kong sabihin kung para saan ito.

"Nirecord ko ang pinag-uusapan nila. Alam kong masisindak ka sa maririnig mo diyan." Ang sabi nito habang nakangising pagkaloko loko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha ko ang cellphone niya. Kinuha ko ang earphones ko sa bag ko saka ko ito pinasak.

"Bakit mo na naman ba ako pinatawag? Alam mo na ngang buntis ako eh. Mahirap maglakad you know?" Ang sabi sa record. Ang pagkakaalam ko si Joanne ito dahil boses babae at buntis daw.

"Haha. Sorry. So kamusta kayo ni Red?" Si clifford ata ito.

"Haha. You have no idea. Ang cold niya sa akin. Ako pa itong nagaadjust. Ikaw? Kamusta kayo ni Mia?" Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa cellphone habang pinakikinggan ko ang usapan nila.

"Hindi pa okay. Di pa siya ankaget over kay Red eh." -si clifford.

"Tsk. Tsk. Pareho pala tayo." -Si Joanne.

"Gusto mo ba ng pagkain? Di ka ba nagugutom?" -clifford.

"Wag na. Di ako gutom. Pagod ako. Sige yun lang ba? Mauna na ako." -Joanne.

"Wag ka munang umalis! Makakasama sa bata yan. Kumain kana. Kawawa naman ang magiging anak ko kung di ako magpapakatatay sa kanya kahit ngayon lang."

Biglang tumulo ang luha ko sa mata. Diko alam na ganito pala kasakim si Clifford. Lahat pala ay pakitang tao lang. Napakasama niya. Gusto ko siyang masapak. Gusto ko siyang patayin. Pero wag dahil mananagot ako sa batas. Ang kasalanan niya nalang mismo ang papatay sakanya.

"Here." Sabay abot sa akin ni Manong ng panyo. Umiling ako.

"I have one." Ang sabi ko. Baka mabaho pa yun eh. O kaya may sipon. -____- "I-send mo sa akin yang record na yan via email." Ang utos ko tumango naman siya.

"Here." Sabay abot ko sakanya ng envelope na puti na naglalaman ng pera. Bilang kabayaran sa pagtulong niya.

"Salamat." Ang nakangiting sambit nito. "Hanggang sa muli ma'am." Aniya tinanguan ko lang siya bilang tugon.

At hinatid ko lamang siya ng aking tingin. Mabilis kong inayos ang mga larawan na nakakalat saka ako umalis.

'Mia, wag ka ng umiyak. Dahil lahat ng nalalaman mo ay isang malaking kasinungalingan.' Ang sabi ko sa isip isip ko. Saka ako sumakay ng kotse at pinaharurot na paalis.


IT MUST END NOW.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Guys! Sorry if maikli hehe! Babawi ako sa inyo. 3 chapter nalang oh? Haha sorry about sa sinabi kong limang chapters nalang. Pinaasa ko ata kayo. Pero babawi talaga ako promise.

Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon