Chapter 10

61 3 0
                                    

Mia P.O.V

Dalawang araw na ang nakalipas matapos kong i-welcome si Red sa bahay namin. Si mama hindi makapaniwala sa nakita niya. Dahil sa alam niyang Red ang nanakit ng damdamin ko. Hindi ko maiwasan ang mga payo ni mama. -___-

"Oh? Anak huh? Wag na wag mong kakalimutan--"

"Na kilalanin muna ng mabuti at tuntunin ang sinseridad sakanya. Got it. Ma? Inulit mo na sa akin yan 9? 10? Times I think?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Tss. Itong anak kong talaga. Palibhasa dalaga na." Sabay kurot ni mama sa pisngi ko. Napangiwi nalang ako sa sakit na naramdaman ko.

"Dali na at hinihintay ka na ng SUITOR mo sa labas." At talagang diniin pa ang salitang SUITOR huh? Ngumiti nalang ako ng pilit kay mama saka na ako lumabas.

Hindi ko na kinailangan ng butler dahil sa ginagawa ni Red. Palagi na niya akong sinusundo. Well? Hindi naman palagi hehe. 2 days palang naman ^0^

Agad kong nasilayan si Red na naghihintay na nga talaga sa akin. Nakasandal siya sa door ng front seat na nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa. Naaninag ko naman ang ngisi niyang parang nakakita ng diwata or something? -____-

Pero KINIKILIG ako sa itsura niya! >/////< Ang gwapo niya kasi. Hindi ko maiipagkaila yan! ^_^ Nang makalapit na ako. Agad kong hinila ang kwelyo niya papalapit sa akin. Bitch lang ang peg? :D

"Let's go Casanova." Nakangisi kong sambit. Umiling lang siya saka ko siya binitawan at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Off with you mi lady." Aniya. Ngumiti naman ako sakanya at sinuklian niya din ako ng ngiti.

Umikot na rin siya saka siya pumasok at nagdrive na paalis.

"Oh? Anong problema sa mukha mo?" Tanong ko sakanya habang nasa biyahe.

"Bakit? May dumi ba?" Tanong niya.

"Wala. Kanina kapa kasi nakangiti. Dika ba nangangalay?" Tanong ko dito. Pero sa totoo lang pinapatigil ko lang siya dahil hindi ko na kaya! >////<

"Hindi ako mangangalay para sa'yo Mia. Si Juan Tamad nga hindi nangalay na nakanganga habang hinihintay ang bunga ng bayabas para mahulog? Ako pa kayang hinihintay kang mahulog sa akin?" Sabay ngisi niya sa akin at binaling ang tingin sa daan.

Sa totoo lang? LORD? Ginawa niyo ba itong nilalang na ito para pakiligin ako ng sobra? >/////< KYAAAAAAAAAA!

"Ewan ko sayo?" Tangi kong sambit saka ko siya inirapan. Pero sa totoo lang. KINIKILIG ako! >/////< Feel ko nag-iinit ang mga pisngi ko at tenga. Para akong puputok anytime sa sobrang init ko. Dahil siguro ito sa palpitations na nadadama ko >////<

"We're here." Nasa tapat na pala kami ng school. Agad akong bumaba nang makarating kami sa parking lot. Pagbaba na pagbaba ko sinalubong ako ng isang yakap.

"MIA!" Aniya. Napayakap naman ako sakanya. Uh-- I'm confused? Sino to?

"Uh- Hello." Tanging nasabi ko. Nang kumalas siya. -___- Si Drea pala. -___- Pero parang blooming siya ngayon? Ano meron?

"Blooming si Ate? Ano meron?" tanong ko dito.

"Huh? Eh- wala to. Hehe. Red!" Aniya sabay kaway kay Red na papalapit na sa amin.

"Tara" yaya ni Red tumango naman kami ni Drea.

Nang nasa hallway kami biglang sumingit si Shaun. "Shaun?" Tanging lumabas sa bibig ko. Napatingin naman ako kay Drea. Mas lalo siyang nangamatis ^0^

"Oh? Hello? Hehe." Ani ni Shaun.

"Hi." Aba? Siya pa unang nag-hi? Naks naman Drea hehe.

"Uh. Maiwan na muna namin kayo may dadaanan lang kami ni Red." Bigla kong sambit kaya napalingon sa akin si Drea na ganito ---> O_________O At binigyan niya ako ng 'don't-even-think-about-it-look' ^0^ Nagpipigil lang ako ng tawa.

Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon