Red P.O.V
Sobrang sakit na ngayo'y inaalala ko ang mga alaala naming dalawa ni Mia nang kami pa. Hinawakan ko ang mga labi ko saka flashback lahat ang lahat ng mga bangayan naming dalawa. Naalala ko pa noong palagi kaming nag-aasaran. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sa tuwing inaasar ko siya. NapakaAMAZONA talaga niya. Walang araw na hindi ako nagkaroon ng sakit sa katawan dahil sa mga hambalos o kaya sipa ng babaeng yun. Pero nagawa ko paring mahalin siya.
Naaalala ko pa noong pasimple ko siyang hahalikan sa labi hindi dahil may sauce siya doon kundi gusto kong dumamoves. Hehe. Natawa ako bigla sa naalala ko. Para akong baliw.
"Red? Let's go." Nabalik ako sa ulirat ko nang tawagin ako ni Joanne. Nakahawak na siya ng paper bag at naka jacket with her maternity dress.
Agad naman akong tumango saka ko binuhat ang napakalaking trolly bag na nasa harapan ko. Oo aalis kami ng PINAS dahil yun ang gusto niya. Hindi ko naman siya magawang diktahan dahil palagi niyang isinasangga ang bata sa sinapupunan niya. Naiinis ako dahil sa sarili ko. Pero hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na ako ang ama ng dinadala ni Joanne.
Papalabas na si Joanne nang huminto siya sa pinto at ganun din ako.
"Baby! Aalis na tayo sa condo! Kasama si Daddy!" Napaikot nalang ako ng mata sa kadramahan ng babaeng to.
"Diba Daddy?" Napalingon ako sakanya na nakanguso sa tiyan niya.
"O-oo nga baby! Kaya mageenjoy ka. Pagbibigyan ka ni Daddy. Wag na wag mong gagayahin si mommy bad siya." At bigla nalang iniwas ni Joanne ang tiyan niya.
"Alis na tayo." Aniya. Natawa ako ng mahinhin dahil nainis na siya.
Oo aalis kami pero hindi ibig sabihin nito kakalimutan ko na si MIA. Aalis kami pero hindi ibig sabihin nito iiwan ko pati ang pagmamahal ko sakanya. Siya lang ang laman ng puso ko at okyupado niya lahat ito.
I hope napatawad mo na ako Mia. Sana tatandaan mong mahal na mahal kita, kahit na may anak ako sa iba. Ikaw lang ang nais kong bigyan ng pamilya. Pagkatapos manganak ng salbaheng babae na ito agad din akong babalik sa'yo.
Mia... Mahal na mahal kita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mia P.O.V
Agad kong kinuyom ang kamao ko dahil sa galit. Sobrang galit. Paanong nagawa sa akin ng pinsan ko ito? Bakit niya ako niloko? Sobrang kahibangan ang ginagawa niya.
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto. Narinig ko pang tinatawag ako ni Drea pero di ako nagpatinag. Nagbihis ako kaagad ng panglabas na damit. Saka ako napunta uli kay Drea.
"Saan punta mo?" Ang tanong nito sa akin.
"Sama ka? I'm about to rock world." Ang gigil kong sambit dito.
Tumango naman ito saka kami nagpunta sa pintuan at pagbukas namin ay bumungad sa amin si Clifford. Agad ko itong sinamaan ng tingin.
"Speaking of." Ang rinig kong bulong ni Drea sa tenga ko.
"Woah! What's with the face?" Ang nakataas ang dalawang kamay niyang tanong.
"What's the matter?" At aakmang hahawakan niya ako sa balikat nang agad kong tinabig ang kamay niya at saka ko sinuntok ang mukha niya.
"Fuck!" Ang matigas niyang mura na hawak niya ngayon ang dumudugong labi niya at nakaupo sa sahig.
Agad akong pumatong sakanya at kwinelyuhan ko siya. "Asan si Joanne?!" Ang galit kong tanong.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)
Dla nastolatkówMAG - Mia April Gonzales I don't know but I'm so damn in love with Mr Casanova but he clearly don't see it. Napaka-manhid ng lalakeng ito. Kahit ilang pagmamahal ko sakanya kung di man lang mapansin na.... Mahal ko siya. He's that type of guy na kay...