Mia P.O.V
At dahil wala akong magawa sa bakasyon namin balak kong pumunta sa bahay nila Red. Hindi dahil sa gusto kong pumunta pero pinapapunta na ako ni Ate Lynsey sabi niya miss na daw ako nila Tita at Tito.
"Mama. Punta na po ako." Ang pagpapaalam ko sakanya.
"Osige anak. Sure ka ha? Gusto mo bang tawagin na natin ang butler mo?" Umiling ako.
"Pero anak in case na umiyak ka na naman baka di ka makadrive." Napanliitan ko naman ng mata si mama.
Tama naman si mama. "Osige na nga!" Ngumiti naman ito ng malapad.
Sumakay na ako ng kotse at nagsimula nang magdrive ang butler ko.
Nang makarating ako sa bahay nila ay agad ko nang tinexan si Ate Lynsey..
To: FAB Lysney
Ate andito na po ako sa harap ng gate niyo. Andyan ba si Red?
//sent
*beep*
From: FAB Lynsey
Okay coming. Wala dito si Red. Wag mo ng alamin ang dahilan. Okay? Osige...
Umiling nalang ako dahil sa kalokohan ni Ate. Alam ko naman ang rason okay lang para sa akin. Bumaba na ako ng kotse saka ako nagtungo sa gate. Niluwa naman nito si Ate Lynsey.
"Mia! Kamusta?" Ang bati ni Ate Lynsey saka niya ako niyakap. Agad ko naman itong tinugon.
"Okay lang ako ate. Ikaw?" Sabay kalas ko ng yakapan namin.
"Hahaha. Ito pretty parin. Tara na sa loob.. Miss ka na nina Mom at Dad." Tumango lang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.
Pagpasok namin ay agad na bumungad sa akin ang mahigpit na yakap ni Tita. "Hello Hija." Ang bati niya sa akin.
"Hello po tita." Ang bati ko rin sakanya. Kumalas din siya kaagad at saka napadpad ang tingin ko kay tito.
"Tito." Ang banggit ko dito. Napalingon naman siya sa akin at laking gulat ko nang makita ko ang parang sobrang lungkot na mga mata nito. Agad ko siyang niyakap at para kasing kelangan niya ito. Agad naman niyang tinugon.
"Anak. Miss ka na namin ng Tita mo." Ang rinig kong malungkot na sambit nito.
"Miss ko narin po kayo." Ang sabi ko saka ako kumalas ng yakapan.
"Osiya lika sa garden naghihintay ang meryenda doon." Ang pagyaya sa akin ni Tita. Agad naman akong tumango saka kami tumungo doon.
"Alam mo ba Mia? Naging malungkot ang bahay nang di kana bumibisita dito. Ayaw naman naming bumibisita si Joanne dito. Pero ayaw din naman naming maging masama kapag ipagtatabuyan namin siya lalo na't buntis pa siya. Anak pa ni Red." Ani ni Ate Lynsey. Natigilan naman ako sa pagsubo nang marinig ko ang 'Anak pa ni Red'.
Nakita ng peripheral vision ko ang pagsuway ni Tita kay Ate Lynsey dahil sa nasabi niya. Ngumiti lang ako saka ako tumingin sakanila.
"Okay lang po Tita, Ate Lynsey. Mas makakabuti nalang siguro kung kelangan ko nang tanggapin at sanayin ang sarili ko sa katotohanan." Ang nakangiti ko parin sambit sakanila.Nagkatinginan naman sila ni Tita at Ate.
"Okay lang po talaga. Haha. Kayo naman." Ang dagdag ko pa.
"Hahahaha." Ang tawa nilang mapakla.
"Lika Mia. Chika muna tayo sa kwarto.." Ang yaya sa akin ni Ate Lynsey..
"Mamaya gusto din naman naming makausap si Mia. Mauna ka nalang sa kwarto mo at ayusin mo ang mga kalat mo. Habang naghihintay kay Mia. Dederetsyo nalang siya doon kapag tapos na kaming mag-usap." Ang sabi ni Tita.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr Casanova (Book 2) (Completed & EDITING)
Roman pour AdolescentsMAG - Mia April Gonzales I don't know but I'm so damn in love with Mr Casanova but he clearly don't see it. Napaka-manhid ng lalakeng ito. Kahit ilang pagmamahal ko sakanya kung di man lang mapansin na.... Mahal ko siya. He's that type of guy na kay...