"Babe pasensya na, tinambakan nanaman kasi kami ng plates. Sorry talaga nagintay ka pa, lowbat kasi ako di kita natext kaagad.." sabi nya sa kabilang linya
Tumulo ang luha ko sa narinig ko..
Eto nanaman kami."Okay lang babe. Naiintindihan ko. Galingan mo sa plates."
I dropped the call. Ayoko nang mastress sya kapag narinig nya akong umiiyak.
OKAY LANG YUN.
NAIINTINDIHAN KO.
WALANG PROBLEMA.
NEXT TIME NALANG.Ganun nanaman. Okay nnaman. Naiintindihan ko nanaman. Walang problema nanaman. Next time nanaman.
Luminga linga ako para maghanap ng waiter.
"Excuse me, can you please wrap all my left overs?"
Mukhang nagulat sya kasi di naman talaga left overs yun, kasi wala pa akong nagagalaw sa mga pagkain na yun. "No problem mam."
Habang binabalot nya yung so called "left overs" ko, i fished for my phone, typed my bestfriend's name and sent a message.
E, where are you? Samahan mo naman ako maghanap ng street children.
✔️sent
Ilang segundo lang ay tumawag na si Ethan.
"So yung magaling mong boyfriend na gusto maging best architect in the world, ditched you AGAIN." Panimula nya.
Di nalang ako nagsalita. Tama naman kasi HE DITCHED ME again.
"Im already driving. Where will i pick you up?"
"Nasa eastwood ako. Lets meet near mcdo."
Dropped the call. Ang daming text si Travis.
"Im sorry....."
"babe, i booked you sa grab. Im really really sorry"
"Last na to babe, promise after ng finals. I'll go to your condo. Babawi ako."Wala akong lakas na magreply kasi masama talaga ang loob ko. Magaaway lang kami. Ayoko. Di na nga kami nagkikita, magaaway pa kami.
"Mam ok na po, thank you and come again"
Lumabas na ako ng resto at nagpasya na maglakad lakad muna. Panigurado sisigawan nnaman ako ni Ethan mamaya.
Umupo muna ako sa isang pavement dun, tangina nakakapagod. Nakakaubos pala.
Alam ko busy siya. Alam ko yun. Pero kahit ngayon lang sana, gusto ko lang ibalita na Dean's Lister ako ulit, na ioofferan ako ng school ko na magcourtside reporter para sa school namin.
Naiintindihan ko, Scholar siya. GC. Mataas ang expectations ng pamilya niya. Alam na alam ko yun.
Hindi ko naman hinihingi ang isang buong araw sa kanya. Kahit isang oras lang.....
Fuck, Ellie wag ka dito umiyak sa eastwood.
"Babe..."
I froze.
"A-akala ko may plates ka na due date bukas? A-anong ginagawa mo dito, trav."
"I was worried. Im sorry for ditching you baby."He pulled me in his chest.
Dun bumuhos ang luha ko. I missed his hug. I missed him. I missed my travis..
"Shh. Baby, im sorry. Stop crying na love." I look at him, kitang kita ko yung guilt sa kanya.
I nooded. Ano pa nga ba?
"Let's go to my condo. Lets cuddle and catch up while doing my plates. I miss you babe. So much."
"Alright, I love you." I agreed.
Niyakap ko nalang siya ulit, then i close my eyes. Gusto ko lang ramdamin yung moment, baka kasi matagalan nnman bago maulit.
When i opened my eyes, kahit malabo ang paningin ko. I knew it was him. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Trav tska lumapit kay Ethan, ang bestfriend ko.
"E.."
"Oh andito na pala yung magaling mong boyfriend na palagi kang inindian eh"
"E, naman.."
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni trav sa bewang ko.
"Ethan." Bati ni travis
Huminga ng malalim si E, "Uwi nako. Di nanaman ako kailangan dito. Tanggal nanaman ako sa eksena."
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
FanfictionHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?