Pangatlo

271 20 0
                                    

"Ellie, balita ko ikaw daw ang representative ng college of communication sa University Pageant!" Salubong nung kaklase ko sa isang minor subject ko.

Kakalabas ko lang ng faculty ng COC, ako daw ang sasali kasi ewan ko. Basta ako daw, di ko naintindihan masyado dahil masyado akong pre occupied ng thoughts ko sa pagkamiss ko kay Trav. Buti nalang binigyan ako ng listahan ng dapat ko ihanda, sa susunod pa naman na buwan iyon kaya may oras pa para makapag handa.

Ngumiti nalang ako dun sa kaklase ko, naglakad ako papunta sa cafeteria ng tumunog ang phone ko.

Oh my. Si Travis!

"Hello babe"

Ang sigla naman ng boses ng mahal ko, mas namiss ko tuloy siya.

"Hi babe! Kamusta yung exhibit mo jan sa baguio?" Tanong ko.

"Well, so far so good naman babe! Alam mo ba may offer ako dito, contest siya actually tapos ang premyo Plane ticket pa Madrid!"

"Wow babe, ayos yan! Kaya mo yun, ikaw pa ba. Eh si Travis ka eh! Oo nga pala may ibaba-"

"Uh babe, ibaba ko ba ha. Lunch break ko lang kasi kaya ako nakatawag. Magingat ka jan ha. I love you!"

"I love-" call ended.

Napabuntong hinga nalang ako. Its okay, Ellie. Busy lang talaga ang boyfriend mo.

"E! Nabasa ko pangalan mo dun sa bulletin board ha! Ikaw daw ang representative ng COC! Sa dami nang maganda don, yung kasing pisnge pa ni jollibee kinuha!"

"Hoy Ethan! Wala ko sa mood makipagasaran sayo! Dun ka nga! Wala ka bang ibang gagawin!"

"Hulaan ko ba kung bakit? Si Travis yan?"

"Oo kasi-"

"Kasi puro achievements nanaman niya pero di mo naibalita na magpapagaeant ka sa susunod na buwan?"

Napatigil ako.

"Hay nako, Ellienor! Kelan ka ba magigising."

"Mahal ko si Travis E, alam ko gusto niya lang maging Arkitekto. Gusto niya lang maging the best."

Ngumisi siya sabay akbay sa akin, "The Best Architect in the World nga, Worst Boyfriend naman Major in Time Management. Ano kaya yun no E?" Iling iling nyang sabi.

Di ako nakasagot. May punto naman ang bestfriend ko. Pero mahal ko siya eh, mula High school kami alam na namin ang pangarap ng isa't isa. Siya Arkitekto, ako isang magaling na Direktor gaya ni Lolo Papa.

Napansin siguro ni E, na tumahimik ako kaya niyaya nalang niya ako maglunch sa labas ng campus.

Natapos yung araw na yun para kong pagod na pagod pano itong si Mama, excited na excited daw madagdagdagan nanaman daw ang korona sa bahay, tapos itong si E, nagyaya pa magtimezone at may hinahabol kaming production by the end of the week.

Gusto ko lang matulog kasi pagod na pagod talaga ako, 8 am pa naman class ko bukas.

Naglinis na akong katawan at humiga sa kama. Bigla ko narinig ang phone ko.

It's Travis.

"Hi babe. Did I wake you up?"

"No baby, Im about to sleep palang naman. I miss you. Di ka na tumawag after kaninang lunch."

"Uh, kasi ang daming ginawa dito baby eh. Kamusta araw mo?"

Whys and ExsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon