Tinakbo ko ang layo ng Gym mula sa mga benches sa school, hinubad ko na yung heels ko. Sana maabutan ko siya. Sana andun pa siya.
Pinagtitingan ako ng mga taong nadadaan ko, kasi ba naman nakagown, nakapostura ako pero nanakbo ako ng naka paa. Nang malapit na ako, ay tinanong ko yung isang lalaki, mukhang galing siya sa benches. "Kuya, may tao pa ba dun?" Hingal na hingal ko sabi. "Meron pa ata, di ko napansin eh. Pasensya na ha. Mauna na ko." Sabi nya.
Walang kasiguraduhan pero susugal ako. Wala nanaman mawawala. Baka eto ang kailangan ko, para makamove forward ako sa buhay ko, ang paliwanag nya. Ang mga dahil sa mga bakit ko. Siya lang, siya lang ang makaksagot.
Malayo palang ay tanaw ko na..
Unti unting nawala ang ngiti ko,
Wala na si Travis doon.
Sumalampak ako ng upo sa bench. Siguro ay umuwi na iyon, pagod na siguro, sa init ng araw.. pagod na siguro siyang paulit ulit na habulin ang taong ayaw naman magpahabol.
Yumuko ako at unti unti akong naluha sa di ko malamang dahilan. Lungkot, panghihinayang? Hindi ko alam. Hindi ba dapat masaya na ako? Titigilan na niya ako. Di nya na ako guguluhin.
"Ellie?"
Inangat ko ang ulo ko, may bitbit siyang payong, at paperbag ng McDo.
Napatayo ako, Lumapit siya sa akin. Walang nagsasalita sa amin.
"Akala ko umuwi ka na."
"Akala ko di pa tapos yung coronation mo."Sabay naming sabi. Iniwas ko kaagad ang tingin ko."Nagutom kasi ako kaya bumili muna ako makakain tska baka kasi umulan kaya kumuha akk ng payong."Diretso niyang sabi.
"Kumain ka na ba?"sabi nya sa akin. I nodded as an answer.
"Kung sakaling magutom ka, may burger at fries dito." sabi nya habang nakatitig sa akin.
Tahimik lang kaming nakaupo, walang nagsasalita, magkatabi lang kami. Magkasama.
"Walang gulay yan...."pambasag nya ng katahimikan, nilingon ko siya. At bahagyang napangiti.
And being Travis, mukhang naaawkward sya kaya napakamot nnaman sya sa kanyang batok..
I grabbed the burger and started to eat. It was a long day after all. I'm just glad na tapos na ang reign ko as the school queen as they call it. Pwede magwalwal. Joke. I am about to finish my burger ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Napabalikwas ng tayo si Trav, at tska hinila ang kamay ko, "Tara na, Ellie." Nagmadali kami pumunta sa parking ng sasakyan nya, habang palakas ng palakas ng ulan, he was holding my left hand so tight na para bang makakawala ako any moment now, i was using my right hand to hold my heels and the tail of my gown, while yung isang kamay nya naman ay hawak yung payong.
There's no use, basa na kami. Might as well, enjoy this moment. I wanted to stop the time. Alam ko sa malalaman ko mamaya, sa mga sasabihin niya. Pwedeng matapos na kung ano ang meron kami. But I can just be selfish, just this time. Just this moment?
I stopped running, he looked innocently, Like why the hell did I stop. I just smiled at him, Sobrang kilala nya ko. He knew what I was thinking. He folded his umbrella then we both laugh.
"Patakbo takbo ka pa, eh basa na nga tayo." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Ayoko kasing magkasakit ka. Lika na, lakad nalang tayo ng basa." Nakangiting sabi nya. Tumango nalang ako bilang sagot at nagsimula nang maglakad.
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
FanfictionHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?