"Babe sorry talaga, madami kasi akong gagawin tonight. Hindi kita mapupuntahan." Sabi nya sa akin.
"Ganun ba? Sige, tatawagan ko nalang si mama. Sige na babe."Sabi ko na medyo nanghihina.
"Sorry talaga baby, Please magpahinga ka."
"I love-"
Ibinababa na nya ang tawag. Siguro nga madami lang talaga siyang tatapusin. Magfifinals na kasi. Madaming requirements.
Kahit na nanghihina ako, sinubukan ko parin siya itext. Si Travis kasi kapag gumagawa na ng plates nakakalimutan na kumain.
To: Babe
Babe, kumain ka na ba?To: Babe
Busy busy babe? Bumaba na ang lagnat ko. Tumatawag ako hindi mo sinasagot.Nakakailang text na ako ngunit wala padin akong natanggap na sagot
"Ellie, ibaba mo nga yang telepono mo at magpahinga ka!" Sabi ni mama pagpasok nya sa kwarto. Itinabi ko na agad sa gilid ang cellphone ko at natulog. Baka naman bukas, pagising ko may text na siya.
Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng text mula sa cellphone ko. 38 misscalls galing sa iba't ibang contacts. At sobrang daming text messages.
Pero lahat ng yun puro ganito ang laman?
From: E
Ellie, Nakita mo na ba? Please answer my calls.From: Rafaella Perez
Captain, okay ka lang po ba? Nakita po namin yung post sa facebook. Nagaalala po ang buong pep squad :-(From: Cheska
MARS!!!!!!! Sagutin mo ang tawag ko, utang na loobAnong facebook? Bakit? Kahit na medyo nahihilo pa ako mula sa pagkakatayo, ay pinilit kong umupo sa harap ng laptop ko. Hindi ko alam pero kabang kaba ako, yung puso ko ang bilis bilis ng tibok.... Habang nagllog-in ako sa facebook, ay kabang kaba ako.... pag pindot ko ng Log-in ay kasabay naman na tumunog ang phone ko. Si Travis.
Nagmadali akong nilapitan ang phone ko, "Hello?"sabi ko sa maligayang tono kahit di padin natatanggal ang kaba sa dibdib ko. "Hello, Ellie baby. Please? Pakinggan mo muna ako. Wag ka mag online. Pupuntahan kita jan, on the way na ako." Naguguluhan ako sa sinabi nya pero nakita ko nalang na nagtungo ako sa laptop ko, nabitawan ko ang cellphone ko sa bumungad sa news feed ko.
Team Captain ng Volleyball na si Mich. Nakapatong. Sa boyfriend ko. Habang tulog si Trav.
Kahit nanginginig ay nagawa ko pang ilipat ang mga pictures, may ilan doon ay nasa likod sila, nakasalabay si Travis kay Mich na tuwang tuwa. Siguro lasing si Travis. Ang susunod na litrato ay hinahalikan ni Mich ang leeg ni Trav. Sumunod ay nakatalikod na sila.. papasok ng kwarto...
Kasabay ng paglipat ko ng mga litrato ay ang pagbagsak ng luha ko. Lalo akong napahugol hugol ng makitang kanina lang ito inupload, at may caption pa na "Last night! Xx"
Ang bigat bigat ng puso ko. Tawag ng tawag si Travis, si Ethan, si Cheska. Pati si mama pinuntahan na ako dito sa bahay namin. 1 week na pala.. Wala akong gustong kausapin. Wala akong gustong makita. Siguro kaya nakakasurvive pa ako ay dahil umiinom padin naman ako ng tubig. Ang daming tanong sa utak ko. Ang daming bakit sa utak ko.
Hindi ba ako yung babaeng "Mahal ko yung girlfriend ko." Yung "Hindi naman niya malalaman. Kaya okay lang." "Mahal naman ako non, kaya okay lang."
Biglang pumasok si Ethan sa kwarto, "Ellie." sabi niya sa mababang tono.
"Leave, E. Please. Ibalato mo na sakin to." Sabi ko sa mahinahon na boses"Naibawi na kita Ellie! Sinuntok ko sa mukha, sapul gagi!" Medyo maangas pero may ngisi na sabi niya.
"Ang dami mo nang namiss sa 1 week mong pagabsent. Naubos nadin ang pagdadahilan ni Cheska. Ano babg balak mo? Magpapakamatay ka dito? Magmumukmok ka?" Sigaw nya sa akin.
"Kelangan bang tumigil ang mundo mo kapag nawala siya sayo? Siya lang yung nawala sa sistema mo, pero ikaw anjan ka pa! Tangina naman Ellienor!"
Hinarap ko siya, "Ano bang alam mo, E? Nagmahal ka na ba? Dba wala ka naman ginawa kundi manggago ng babae? Naranasan mo na bang masaktan? Alam mo ba yung pakiramdam na parang ang dami mali sayo.. kasi kung okay naman ako, bakit ako niloko? Yung sa araw araw na ginawa ng diyos iniisip mo, bakit kaya no? Ano kayang kulang sa akin? Hindi mo alam kasi di ka pa naman nagmamahal!" Hagulgol ko sa kanya.
Nakatungo siya, agad nya akong nilapitan at niyakap. "Ang dami pang rason para iayos mo yung buhay mo, Ellie. Yung pamilya mo, si Tita, si Sari, kaming mga kaibigan mo, Ako... Ellie ako. Wag mo naman tapusin lahat dahil lang sa natapos kayo. Pano yung mga pangarap mo? " sabi niya nang nanginginig na boses.
Nakatulog na ako kakaiyak. Bukas ay kailangan ko pumasok dahil gusto na ako idrop nung prof ko sa Creative Scriptwriting dahil sa unexcused absent ko, mabuti nalang at napalusutan ako ni Cheska na namatayan ako. Which is totoo naman, namatayan ng puso.
Kinabukasan ay pumasok ako kahit magang maga ang mata ko, halos lahat ng ka-course ko ay nakatingin sa akin, nagbubulungan. Yumuko ako, hindi ko alam bakit ako nahihiya. Hindi naman ako yung nasa picture, pero parang gusto ko na magpalamon sa lupa.
Pumasok agad ako sa cubicle sa CR. Andun lang ako, nang may biglang pumasok. "Girl, nakita mo si El? Grabe no, laki ng pinayat? Sabagay ikaw ba naman mabroken heart eh! Pano kasi Losyang." Sabi nung isa. Naninikip ang dibdib ko sa naririnig ko pero dahil masokista ako ay patuloy ko parin pinakikinggan. "Huy grabe ka naman! Maganda naman si El, tska matalino, mabait." Sagot nong isa. "Jah, ano ka ba. Wala na yung pangalan ni El bulletin." Dahil sa narinig ko ay napalabas ako ng cubicle.
Mukhang nahiya sila at dali daling lumabas, wala nakong paki sa kanila. What have I done? Yung scholarship ko.
Agad agad akong nakipagusap sa Dean namin, i was crying the whole time. I begged. I badly needed that scholarship. 75% ng tuition ko ay bayad ng school.
Hindi ko alam pano ko sasabihin kay mama, nagtungo ako papasok sa klase ko sa Creative Scriptwriting sa Eugenio Bldg. nakasalubong ko si Rafaela, naka cheer uniform siya. Agad nya akong niyakap.
"Ate. Magiging okay din lahat." Sabi nya.
Gusto ko siyang sigawan. Ang sarap sabihin na "BULLSHIT! KAYA MO NASASABI NA OKAY LANG KASI HINDI SAYO NANGYARE." pero wala namang siyang kasalanan gusto nya lang pagaanin ang loob ko.Baka kapag naging cheer captain ako kay madagdagan ang less ng tuition ko, "Raf, uhm yung sa captain, may napili na ba si Coach?" Nakita ko ang lungkot sa kanya mga mata. Shit. Wag naman..
"Ate, si Freya na yung napagbotohan. Natakot kasi kami. Akala namin hindi ka na babalik. Akala namin magddrop ka na. Bali balita kasi sa school yung nangyare-" i cut her off.
"Okay, Rafaela. Thank you." Tska dire direchong naglakad papuntang klase ko. Kasabay ng paglakad ko ay ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
----------------------------------------------------------
Short update! Flashback to guyzzz, baka kasi maguluhan kayo! Feel free to comment, vote and share! If ittweet nyo use the hashtag #YsandExsWP 💚 para mabasa ko reactions nyo hihi!
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
Fiksi PenggemarHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?