Ika-labing dalawa

131 14 1
                                    

Thank you!!!! you made it this far. :-) After nitong chapter na to, Epilouge na.

----

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang phone ni Travis, ngunit parang hindi man lang natinag tong si loko, ayaw bumitaw sa yakap... para bang mawawala ako pag kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

"Sige na sagutin mo na, baka importante."

Agad naman syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at lumapit sa phone nya sa counter table.

Tanaw ko sa kanyang terrace ang city lights. Im supposed to be mad. Hindi ko alam kung paano pero alam ko, napatawad ko na sya. Im a wreck nung naghiwalay kami.. Im so selfish kasi akala ko ako lang yung nasasaktan, kasi akala ko ako yung niloko...Pero natunaw lahat yun nung narinig ko yung paliwanag nya..

Ganun pala kapag mahal mo, kahit gaano ka nawasak, pipiliin at pipiliin mo padin magmahal. Mahal ko siya, mahal ko parin siya...

"Ellie..." mahinahon niyang tawag sa pangalan ko,

"Hmm?" harap ko sa kanya.

His eyes. His eyes are sad. Bakit Travis?

"May problema ba? Sinong tumawag?" tanong ko sa kanya.

"Yung mama ni Ethan, tumawag. Hindi daw macontact si Ethan.. Patay na yung phone nya." Halata sa boses ni Trav ang pagalala para sa kapatid nya.

I still find it weird kapag naiisip kong magkapatid sila sa ama..

Bumuntong hininga ako. "Alam ko kung san siya hahanapin, pupuntahan ko siya." alam ko kung san ko pupuntahan yun, sa tagal naming magkaibigan alam ko.. alam kong andun siya.

"Sasamahan kita, gabi na-" nagaalalang sabi niya.

"I'll be fine. Kailangan ko din makausap ang bestfriend ko." Kailangan ko marinig ang paliwang nya, kasi sa dami ng nalaman ko ngayon, gusto ko parin isalba yung pagkakaibigan namin. Kahit galit ako sa kanya, gusto parin isipin na baka sakaling may paliwanag ni Ethan...

He sighed. "Okay, but please. Ihahatid kita. Delikado na."

"Huwag na, Travis. Kaya ko to. Trust me." I said with a final tone.

"Hay. Tigas padin ng ulo mo no." naiiling nyang sabi.

Immediately booked uber, after a few minutes nagtext na yung driver na nasa lobby na siya. Sakto naman na nasa elevator na kami ni Travis.

Hinatid nya ako sa sa tapat ng car, pinagbuksan nya ako ng pinto. Papasok na dapat ako ng hawakan nya ang siko ko. Nagtataka kong siyang tinignan, "Babalik ka naman agad di ba? Babalik ka sa akin ha?" nahihiya niyang sabi.

Tumango ako. Niyakap niya ako kahit medyo nakakahiya kay kuyang uber kasi lumalabas yung hangin ng aircon sa kalandian namin. "I love you, Ellie. Update me please." sabay halik nya sa aking noo.

Pumasok na ako dahil baka madagdagan pa ang bayad ko sa uber, nakapromo na nga ako ang tagal ko pa sumakay. Nagulat ako ng binuksan nya shot gun seat.

"Kuya, ingatan mo tong girl-" natigilan siya. Sabay kamot sa batok, Tinignan ako ni kuyang uber na nakangisi na parang kinikilig siya dahil medyo bagets pa si kuya uber, father figure ganun.

"Kuya ingatan mo please, mahal ko yan sobra." Mabilis niyang sabi. Sabay sarado ng pinto.

Nagulantang kami ng bahagya ni kuya Uber driver, But I managed to tell kuya na umalis na kami dahil hahanapin ko nga pala si Ethan.

Medyo natraffic pa kami ni kuya pa'antipolo, nagulat ako ng biglang tumawa si 'Kuya-Uber-Manong-Driver'

"Mam, nagtext po yung nagbook sainyo." natatawang sabi ni kuya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whys and ExsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon