"Eh bakit, ngayon lang? Bakit, trav?"
"Because Ethan asked me too.." sobrang hina ng pagkakasabi nya, it was almost a whisper.
Its been weeks nang pumutok yung scandal, ilang araw na ako pabalik balik dito sa bahay mo, mahal ko....
Papasok na sana ako sa kotse ko, para pumunta ulit sainyo... Magbaka sakaling lumabas ka. Kausapin ako. Pakinggan ako.. "Saavedra!" sigaw ni Ethan.
Pagod ko siyang nilingon, "Anong kailangan mo?"
"Kung pupuntahan mo si Ellie ngayon, wag na. Alam mo ba kung gaano siya nasasaktan ngayon? Wasak na wasak yung tao." Mahinahon ngunit madiin nyang sabi.
"Alam mong walang nangyare, Ethan. Andun ka-" Bigla nya akong suntukin.
"Don't. Don't you ever fucking say that! Tangina ka. Nagparaya ako para sayo noon, but not this time Travis. Not this fucking time."
"At kung talagang mahal mo si Ellie, stay away from her. Winasak mo siya. Ako naman ngayon Trav, sinabihan na kita noon. Wag mong sasaktan si Ellie. Nakiusap ako sayo-"
"Pero hindi ko siya niloko. Walang nangyare. At alam mo yun Ethan. Ikaw ang nagpapunta sa akin sa lugar na yon, sabi mo raket! Bakit ngayon umaasta kang wala kang alam Ethan? Tangina mo sagad, alam kong alam mo ang sinasabi ko!" Sigaw ko habang pinapaulanan siya ng suntok. Inawat kami ng mga kabarkada ko.
Putok ang mukha namin parehas. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Ethan sa harap ko...
"Nagmamakaawa ako sayo, kuya. Layuan mo na siya. Alam kong kapag narinig nya ang paliwanag mo, babalikan ka niya. Nakikiusap ako sayo. Alam kong wala akong karapatan para hilingin sayo to... Malaki ang kasalanan namin ng Mama ko sa pamilya mo, pero mahal na mahal ko si Ellie. Kinakamuhian ka na nya ngayon, nakikita na niya ako. Kuya please..."nakayukong sabi niya habang yumuyugyog ang balikat niya.
"Mahal na mahal ko din sya, Ethan. Pasensya na."sabi ko sabay pasok sa kotse.
"Kuya?"naguguluhang sabi ko sa kanya..
"Kapatid ko siya sa tatay, Ellie. A year before the pictures came out. But Ethan.. He knew from the very start.. Actually, sa kanya ko pa nalaman. Kaya pala mainit ang dugo nya sa akin. Kasi para sa kanya, inagaw ko ang lahat, wala akong tinira. Si Papa.. pati ikaw Elllie." paliwanag niya sa akin...
Hindi ko lang lubusang maisip... How could Ethan do this to me.. to Trav? To us...
"I wanted to tell you the moment na malaman ko, pero sabi niya siya na daw ang magsasabi sayo. And I respected that. You are bestfriends, bago pa tayo. May kayo na. Si Mama never nagalit sa kanya. Mama ko nga di galit, pano pa ako hindi ba."
"He also asked me na wag na wag kitang sasaktan.. and I didn't Ellie. I never did. When He begged me to stay away from you, I didn't... Nagiintay parin ako sa labas ng bahay niyo. Pero palagi din ako naabutan ni Ethan. Palagi niyang sinasabi na kinakasukaman mo ako. Kaya palagi din kaming nagsusuntukan, gago eh."
"Then why did you stop? Bakit ni minsan di kita inabutan sa labas ng bahay?"
"Isang araw, as usual nasa tapat ako ng bahay mo. Nagiintay na makauwi ka, biglang dumating yung Mama ni Ethan, she told me kung pwede kami magusap. So I said yes. Dinala nya ako sa isang ospital, and I saw Ethan. Nakahiga, madaming nakakabit na aparato.." mahinang sabi ni Travis.
"May Lupus pala si Ethan.. Yun ang panimula ng mama niya. Ayaw na niya magpagamot, hindi ako makagalaw ng oras na yun. Pakiramdam mo, binuhusan ako ng malamig na tubig. Nagulat ako ng biglang lumuhod ang mama niya. Sabi ko pa nga, 'Ano ba naman tong pamilyang to, ang hilig lumuhod. Masakit kaya sa tuhod yun!'"Sabi nya habang pilit na tumawa, pinupunasan ang mga luhang di tumitigil.
"Nakikiusap siya, kahit isang taon lang daw, hayaan ko daw si Ethan mahalin ka. Ikaw lang daw ang makakapagpasaya kay Ethan... Ang sakit sakit non. Kasi di ba? Bakit ganun? Naiipit ako sa sitwasyon. Ang gulo gulo na. Siya yung may gawa ng gulo pero ako yung masama? Mahal na mahal kita pero ikakamatay ng kapatid ko pag nalaman mo yung totoo?"
Humigpit ang hawak ko sa railings sa veranda.
"If I choose you, i would lost my brother. And If I choose my brother, Mawawala ka naman. Even if He always thinks that everything between us is rivalry, Kapatid ko padin siya eh."humahagul gol niyang sabi.
Hinarap niya ako,"And I'm sorry Ellie. I'm sorry had to choose my brother. I'm so so sorry. I'm sorry for being-"
I hugged him. "Thank you, Travis. Thank you for saving my bestfriend.. for saving your brother despite of what happened.. Thank you... and I'm sorry kasi masyado ako nagpakain sa galit ko, lahat ng nangyare isinisisi ko sa paghihiwalay natin.."
He reached for my face then he slowly kissed me. Smack lang pero nakakalunod. Sobrang namiss ko siya.. "Im sorry.... but can I kiss you?"
"Kiss muna bago paalam?" Natatawa kong sabi.
Napakamot naman siya sa kanyang batok. Lol. He haven't change. Shy type padin.
I grabbed him, and kiss him. Passionately. I don't give a damn about anything, or anyone right now. With Ethan, I will deal with him soon. But for now. I want to spend time with Travis. My Travis.
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
FanfictionHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?