Kung nung isang linggo para kong na suntok sa mata, Mala-panda naman ang peg ko, kinabukasan. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni E, hindi lang talaga ako makapaniwala, or baka nga nagjojoke lang talaga siya.
Mula umaga hanggang after lunch ay walang Ethan na nagpapakita sa akin. Hindi naman sa namimiss ko siya, na sanay lang ako na may Ethan lagi sa paligid ko.
During our Theology class, lumapit sakin si Cheska, isa sa mga kaclose ko na babae. Babae siya pero pag nagsalita para talaga siya bakla. "Huy, mamshie! Antokya japan ka ha? Sige ka baka magalit si Lord sayo di ka nakikinig!! mawalan ka ng boys." "Wala kong boys, baliw!" Irap ko sa kanya. "Osige, chill nalang tayo! Kahit sa condo ko, kwentuhan!" Medyo matagal nadin nung huli kami nakapagchill dahil sa sobrang busy, kaya pumayag nadin ako.
Pagkatapos ng klase, agad ako sumakay ng LRT para makauwi, malapit lang naman ang condo ni Ches, mura lang siguro kong mag-grab ako. Pagdating ko sa Cubao Station, nagulat ako nasa harap ko na ang hingal na hingal na si Travis. "Nauna yung train na sinasakyan ko, nakita kita sa Legarda station, bumaba ako... okay lang ba na sabayan kita?" Naghahabol na hinga niyang sabi. "Hindi naman akin yung tren. Bahala ka."
Pumasok na siya. Umandar na ulit yung tren. Hindi naman gaanong siksikan dahil patay na oras na din, kaya malamig ang buga ng aircon. Napatingin ako kay Travis na tumatagaktak ang pawis, nagtama ang tingin namin, umiwas ako at kumapit sa handrail. "Shit, nahulog ata yung panyo ko." Hindi ako lumingon, eto talagang lalaking to, napakacareless. Ang bilis pa naman nito magkasipon.
Napairap ako, kinuha ko sa bulsa yung panyo ko at inabot sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin, "Kunin mo. Walang sipon yan." Ngumiti siya, "Salamat, Ellie. Next time ko na ibabalik ha." Napakunot ang noo ko, "Anong next time? Akin na yan!" Nasa santolan na pala kami. Aba ang bilis pa maglakad ng loko.
"Hoy, Travis. Ibalik mo panyo ko!" Habang pababa kami ng escalator, "Lalabhan ko muna! Puro pawis to oh." Ngumingisi niyang sabi. "Aamuyin ko ba? Akin na kasi." Ngumiti lang nang nakakaloko si Travis. Edi wag niya ibalik! 3 for 200 lang naman yun sa Sale sa SM!
Naglakad ako papunta sa sakayan ng UV Van, nagulat ako nasa likod ko padin si Travis. "Bakit nakikipila ka?" Ngumiti lang siya, sakto namang kasama na ako sa bilang ng sasakay sa Van. Akala ko ay sasakay dahil sa unahan niya ako pinaupo. Assumera ng taon, Ellie? Galit ka di ba?
Yung lalaking kasuod ko sa pila tuloy sa likod naupo, bukas parin ang pinto dahil nagpupuno pa. Nang biglang nagabot ng 100 pesos si Travis kay manong. "Kuya, dalawa." Nagtataka ko siyang tinignan, "Bakit dalawa? Tska bakit ikaw nagbayad? Ano bayad mo sa panyo ko yan?" Ngumiti siya, "Gusto kang tabihan nung lalaki, naiinis ako kahit hindi dapat-" inabot na ni manong yung sukli, aalis na yung van. Pero bago niya isara yung pinto, "Ibabalik ko itong panyo mo, Gusto ko lang magkaron ng dahilan para magkita tayo ulit. Ingat ka, El." Sinira na niya yung pinto.
"Oo, nasa grab na ako Cheska. Wag kang atat jan." Sabi ko sa kabilang linya. "Bilisan mo naman ate girl, nagiinom na ko mamaya, di na kita mapagbuksan kasi coma na ko sa sobrang kalasingan!" "Oo na, sige! Tayong dalawa lang jan di ba?" "Oo kasi dba virginin ka di ba? Ayaw mo ng borta! Sige na magingat ka! See you, ate girl!" Dahil kilala naman na ako sa condo ni Ches, dire-direcho na akong pumasok.
Nakakailang bote na kami ni Cheska, pero hindi padin ako tinatamaan, samantalang si Cheska umiiyak na kasi niloko nanaman daw siya nung Boyfriend nyang Fuckboy ng Taon!
"Cheska, please tama na. Wag ka nang magemote jan. Gago yang boyfriend mo, Gago ang mga lalake, wala na tayong magagawa jan." Irap ko sa kanya.
"Ang sakit sakit kasi, beh! Naiintindihan mo naman ako di ba? Niloko ka din kaya!" Sabay ngawa nanaman niya
"Sige ipagduldul mo pa para ipalo ko sa ulo mo tong mga bote."
Hindi parin tumitigil si Cheska kaya pumunta muna ako sa Veranda para magpahangin, nagttweet ako.
@ECSegovia
TGIF with @iamcheska ❣️
📍 East Forbes Condominium@TravisSaavedra
Im still madly deeply inlove with you.. @/E.Anong E? Ano bang ginagawa nya? Akala niya ba okay kami? Inis akong pumasok sa loob. Si Cheska ay kalmado na nakaupo sa Sofa, "Oh bakit ka nakabusangot jan?" tanong nya. "Ches, Nagkita na ulit kami ni Travis." Hindi siya nagsalita, para nagiintay siya ng kasunod na sasbihin ko, ikinwento ko lahat ng ngyare hanggang dun sa komprontahan namin sa bahay nila. Hindi siya nagsasalita, which is nakakapanibago. "Naintindihan mo yung mga kinukwento ko?" She nodded. "Eh bakit di ka nagsasalita?" "Sis, mahal mo pa ba?"
"Ewan? Hindi na. Nasasaktan parin ako eh. Sobrang sakit padin. Gustong gusto ko siya patawarin para wala nakong dinadalang mabigat sa puso ko.. kaso pag naalala ko lahat.. lahat ng sakit na dulot niya, ang sakit sakit padin pala.. Ikaw? Pano mo nagagawang patawarin si Jake kahit paulit ulit ka na niyang niloko? Hindi mo ba mahal sarili mo?" sabi ko sa kanya.
"Simple lang, kasi mahal ko siya eh. Yung pagmamahal ko yung sumasalba sa lahat ng pagkakamali niya. My love for him is always greater than anything else. People might think, ang tanga tanga ko. Pero yun naman ang love hindi ba? Wala naman cum laude sa love kasi lahat ng nagmamahal, nagpapakatanga. Kaya kahit ilang chance, kaya ko ibigay. Kasi ganon ang nagmamahal. At mahal ko yung sarili ko no!" Tumatawa niyang sabi.
"Yun naman ang ginawa ko noon, Cheska. Anong ending nagago ako. I gave everything I have. Pride, Oras, Pag-iintindi. Feeling ko nga pwede nako patayuan ng rebulto eh, nakalagay "Most Understanding GF", Adjust ako sa lahat.. ni hindi na kami nakakapagcelebrate ng monthsaries, wala siya sa mga okasyon na dapat sabay namin cine-celebrate. Kahit walang goodmorning at goodnight, okay lang, minsan isang buong araw walang paramdam, OKAY LANG. Kasi palagi kong iniisip yung sinasabi niya, na para sa amin yon. Para sa future namin. I did everything i can to save our relationship, pero anong ginawa niya? He cheated. Kaya ang hirap magpatawad, Ches."Tahimik, walang nagsasalita sa amin. Hindi naman kasi kami madalas magusap ng seryosohan ni Cheska, puro biruan kami.
"Eh, si Ethan?" Tanong nya na may halong pangaasar.
"Anong si Ethan?!"
"Hindi pa ba obvious? He treats you so special kaya! Prinsesang prinsesa ka! Ano ba naman niya, Ellienor Cassandra!" Hysterikal niyang sabi.
"Obvious ang alin? Cheska, wag kang malisyosa jan. Ako at si Ethan?? Magbest friends lang kami. At walang special treament na nagaganap!"
Napahalakhak naman si gaga. "Alam mo hindi ko alam kung bakit di mo makita, Ako nang banlag kitang kita ko eh!"
--------------------------------------------------------
Dahil madaming nagtatanong... :)
Si E at si Jabee! :)
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
FanfictionHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?