Nagising ako kinabukasan na parang hindi ako galing sa mala MMK na iyakan, kung hindi sa suntukan, na sa mata ako na suntok sa sobrang maga. Ayokong tumayo, nanghihina padin ang buong sistema ko.
Isang taon, isang taon kong kinimkim sa sarili ko lahat ng sakit. Isang taon na pinilit kong maging okay, pinilit kong ituloy ang buhay. Huminga ako ng malalim, tumayo ako na, humarap ako sa salamin, and there i saw... I saw myself, a year ago. Yung Ellie na walang makapitan, yung Ellie na ginagago, Yung Ellie na iniwan. Naniniwala ako noon, na Love can save anything. Yung kapag mahal mo hahamakin mo lahat, yung kahit hindi na naiintindihan ng utak mo, pipilitin intindihin ng puso mo. Bakit? Kasi mahal mo. Yun yung laging mananaig. I smiled habang pinupunasan ko yung bawat luha na bumabagsak sa mga mata ko. May ilalabas pa pala ako na luha, akala ko naitodo ko na kagabi. I combed my hair and smiled, "Kinaya mo noon, Ellie. Mas kaya mo ngayon. Tuloy ang buhay, Ellienor."
Hindi na kami nagkita ni Travis, pagbaba ko, na talagang pinagpapasalamat ko. Nagtaxi nalang ako pauwi, balak pa kasi ni Tita gisingin si Travis. Ipapahatid daw ako. I refused. Di na nagpumilit si Tita, so I think she understands na why.
Andito ako ngayon sa Jollibee malapit sa school, iniintay ko si Ethan. 1 linggo na ang nakakalipas simula ng encounter namin ni Travis, Wala na siyang paramdam, walang text, tawag, chat o kahit ano. Speaking of text, wala padin ang mokong na si Ethan.
To: E
Asan ka na? Kanina pa ako dito. Nabbored na ko.Agad naman siya nagreply.
From: E
Naglalakad nako. Magintay ka, magmaskot ka muna sa party jan.Gigil na gigil ako sa nabasa ko, gago talaga to! Sa sobrang diin ng pagkakapindot ko, nagback pa sa inbox yung message.
To: Travis Saavedra
Gago! Mabundol ka sana!WHAT? Travis Saavedra? Pucha, cancel cancel- SENT!
Malilintikan ka talaga sa akin Ethan! Sa lahat talaga ng pwedeng ma-wrong sendan, kay Travis pa talaga! Magsorry nalang ako, How Ironic? Ako yung sinaktan, pero ako yung magsosorry.
To: Travis Saavedra
Wrong send, sorry.Issend ko na dapat ng biglaang "Hi, Jabee!" Si Ethan.
"Wag mo ko simulan, Ethan napahamak nanaman ako dahil sayo." Simangot ko sabi.
Napangiwi naman siya, " Kakarating ko lang ah? Bakit ako?"
"Nawrong send ako kay Travis sa sobrang gigil ko sayo, bwiset ka inaasar mo namaman kasi ako."
Nawala ang ngiti niya. "Ano ba sabi mo sa text? Bat apektado ka?"
"Sabi ko pa naman sa text, 'Gago! Mabundol ka sana.' Nakakahiya E!!"
Natawa naman siya, "Oh, e anong mali don? Gago naman talaga yung EX mo. Tska anong nakakahiya don? Kung mayroon man dapat mahiya, siya yon. Sino bang nang-gago?"
Pagkatapos namin kumain, nagyaya si Ethan sa Cubao dahil may bibilhin daw siya, kinuha muna niya ang kotse nya sa school at naiwan ako dito kasi ayaw niya daw ako mainitan. Ethan and his sweet gestures kahit na saksakan ng alaskador.
Pag dating niya ay agad kami nagtungo sa isang mall sa Cubao, may bibilhin daw siya. Nagikot ikot muna kami sa mall habang umiinom ng frappe, "Jabee, my tanong ako." "Hmm?" "Mahal mo pa ba siya?" "Ha? Bakit mo natanong?" Nagulat lang ako, Ethan... He hates Travis. Halata ko iyon kahit noon pa. Lagi kong nahuhuli na masama ang tingin niya kay Travis pag magkasama kami. Nung nalaman niya yung nangyare, He went to UST, sasapakin niya daw sa gitna ng Arch of the Centuries. I never got the chance to know what happened that day until now, siguro kasi nasasaktan parin ako kapag naalala ko lahat.
"Osige eto nalang, Pano kung... ano, kunware mahal kita ganon. Kunware lang ah, wag mo masyadong ramdamin ha. Ano gagawin mo?" Napatigil ako sa paglakad, nasa may garden na pala kami nung mall. "I mean, do you think.. na ano? may chance that.. you'll like me too?" Napahagalpak naman ako ng tawa, "God, E! Ano ba pinagsasabi mo? You? Me? Yuck E!!! Ang platonic natin masyado!" Sabay tawa ulit. Napatingin siya sa baba, "Ihatid na kita sainyo." He smiled a little.
Tahimik kami hanggang makarating sa kotse, nagtext si Jaquie na Free cut na kami kaya ihahatid na ako ni E sa bahay, feeling ko naoffend sakin si E sa pagtawa ko kanina. Well, i just couldn't answer him. We've been bestfriends since God knows when, tapos bigla niya akong bibiglaan sa ganung klaseng random question. I never thought of that, cause he's my bestfriend... nothing more, nothing less.
Malapit na kami sa bahay, hindi ko naman kaya na lumipas ang gabi na hindi kami okay, thats not how we roll. I should apologize. "Uhm, E?" Di siya sumagot. "E, sorry... I didn't mean to offend you. You're my bestfriend,never pumasok sa isip ko you know... you and me in a romantic way. Akala ko kasi ppunchline ka kanina, ang random kasi masyado nung tanong mo. Sorry talaga, wag ka nang magalit." I held his hand. Walang nagsasalita. "Andito na tayo." I sighed. "Okay, goodnight E. Sorry ulit." Bumaba na ako ng kotse. Pinaharurot nya ang kotse.
Pumasok na ako, i saw a bouquet of sunflower and a note, "Hindi na ako nagpakita sayo baka masira ang araw mo, Pero hindi ako mapapagod na magsorry sayo Ellie. I will wait, mon amour. -Travis" Tska ko lang naalala na HINDI KO PALA NASEND YUNG TEXT KANINA!!! Shit! Agad agad kong kinuha yung phone ko at nagtipa ng text.
To: Travis Saavedra
Wrong send yung text earlier. Sorry.Wala pang 4 seconds, nagreply na agad siya.
Fr: Travis Saavedra
It's okay. :-) Did you receive the flowers?To: Travis Saavedra
Yes, thank you.Nagreply siya ulit agad, Ang dami niyang time ngayon ha? Sana noon ganito siya.
From: Travis Saavedra
:) Goodnight, Ellienor. I will never get tired of you. Never.Hindi na ako nagreply. Bahala siya.
Pagkatapos ko maglinis ng katawan biglang tumunog ang phone ko, It's E.."Hel-"
"And I hate it, you know exactly what to do, so that i can stay mad at you for to long that's wrong." Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon ko lang narinig na kumanta siya, ang ganda pala ng boses niya....
"And I hate how much I love you girl, I can stand how much I need you. And I just can't let you go... and I hate that I love you so.."
"E..."
"Hindi ako galit, Ellie. Hindi ko kayang magalit sayo. Alam mo naman yun dba?"
"Akala ko kasi talaga nagbibiro ka kanina.. Bati na tayo ha."
"Okay lang yun, sanay na ako."
"Sanay san?"
"Sanay nako na di mo ko sineseryoso." Loading... God, Sana ipasok na ni E yung punchline.
"You don't have to say anything. Goodnight, Jabee."He dropped the call.
ANO DAW?-------------------------------------------------------
Sabaw, sorry huhu! Please vote and comment para alam ko kung may nagbabasa pa ba ng story ko :(#TEAMJABEE kayo or #TEAMSECONDCHANCE?
BINABASA MO ANG
Whys and Exs
FanfictionHow can you forgive someone who gave you so much pain? How can you love and hate someone at the same time? How can move on when you still want to hold on? How can I unlove you? Pwede ba yon?