Ika-pito

263 13 1
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay tska ko lang nabuksan ang cellphone ko. Madaming email, text at miscalls doon. Ang nakaagaw ng attention ko ay ang Email, galing sa Student Council ng HS department

To: elliesegovia@yahoo.com
RE: Ms. CSJ HS 2017

Good Day, Miss Segovia.

Colegio de San Juan High School is at our centiennial year. In line with this, we would like to invite you to pass down your crown and be one of our judges in the Ms. CSJ HS 2017.  Please send us a confirmation with 3 days. This is Coleen Ty, Student Council Secretary.

From: scchs.csj@yahoo.com

Reply | Delete

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Siguro kasi hindi ko alam kung handa na ba ako. Handa na ba akong bumalik sa lugar na yun. Masyadong madaming masasaya at malulungkot na alala ang CSJ-HS para sa akin.

Di bale, may 3 araw pa naman ako para magisip.

Tinignan ko muli ang ibang text sa akin, tatlo dun ay kay Ethan, sa mga kablock ko, reminding me na may iccover kami next week.

From: E
Nakauwi ka na ba?

From: E
Bat di ka nagrereply? Ayaw mo na ba akong bestfriend? :(

From: E
Hi.

Napangiwi ako, ano nnaman kayang trip nito ni Ethan! Mabilis akong nagreply sa kanya.

To: E
Kakauwi ko lang, wasted kami kagabi ni Cheska! OA ka ng taon!

Bigla siyang tumawag sa akin, parang talagang iniintay niya ang text ko.

"Sana sinabi mo, sinudo sana kita kaninang umaga. Iba ka pa naman pag may hangover." Bungad nya sa akin.

"Hello din sayo!" Irap ko sa kawalan. "Sa dami ng kape na ininom ko sa condo ni cheska, pati hinliliit ko sa paa, nawala yung pagkalasing." Tawa ko.

"Kumain ka na ba? Dalhan kita pagkain?"

"Anong meron? Bat ang bait mo sa akin? Hahaha! Wag na! Sige na madami pa ko gagawin, bye E!" Binaba ko na agad.

Hindi naman sa iniiwasan ko si E, okay sige. MEDYO eto naman kasi si Cheska, medyo napaisip ako sa mga sinabi nya sa akin..

Pagkatapos maghapunan ay dumerecho ako sa garden ng bahay namin, iniisip ko padin yung sa invitation ng CSJ-HS. Medyo malayo kasi ang pagitan ng college sa HS building namin, kung titignan mo sa labas ay parang magkaibang school ito sa laki. Ang rude ko naman kung hindi ako dadalo ng dahil lang sa personal issues ko sa buhay. Pero hindi din kasi ako sigurado kung ready na ba ako makita ulit ang lugar na yun. That place witnessed our love.

"Ellie, may bisita ka. Si Travis....." may pagaalalang sabi sa akin ni Ate Melba.

Naiintindihan ko naman ang reaksyon nya. She saw me nung wasak na wasak ako. "Papapasukin ko ba?" I nodded.

"Ellie." sabi nya sa mababang boses. "Anong kailangan mo?" Sabi ko sa pagod na ekspresyon.
"Nakasalubong ko si Ms. Perez, Pinaikusapan nya ako.. kung pwede daw kita pilitin na pumayag mag-judge.. and Can we go there.. together?" nakayuko niyang sabi.

"Pinagiisipan ko pa, yun lang ba yung pinunta mo dito? Makakaalis ka na." Sabay talikod sa kanya.
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Hinding hindi kita susukuan, Ellie."

Hinarap ko siya, "Bakit, Travis?"

"Kasi mahal kita, Ellie.. Mahal na mahal padin kita. Do you know how hard it is to see you hating me so bad? Im not giving you up, ellie. Just give me one chance."

Whys and ExsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon