Buti nalang at saturday ngayon, kung hindi ay papasok akong may hang-over. Ang sakit ng ulo ko! As In!
Malapit ko nang matapos ang thesis ko. Kung andito lang sana si Mikael eh natapos ko na to siguro. Hays! I need to learn how to live without him in my life. Makakain na nga muna!
Magluluto na sana ako ng breakfast ko but I ran out of fresh milk. I needed to buy some kaya nag palit ako at agarang umalis. Nang dumating ako sa harap ng elevator, Great! Out of order! No choice but I need to get myself going with one of my mortal enemies, THE STAIRS. Kaya ko to! 2 floors pa Deatyl! Hingal na hingal ako pagdating sa lobby. Napansin ng guard na basang basa ako ng pawis. Kuya! Sexy na ba ako? Seryoso kong tanong kay kuya Ole. Sa mukha niyang parang natatawa na nahihiyang sumagot sa akin ay inunahan ko na siya. Hahahaha! Kuya naman eh 14 floors lang naman siguro tinakbo ko eh. Maliit na bagay! Hindi naman siguro mababawasan ang mahal na mahal kong baby fats!
Nakitawa din si kuya Ole at nag apir sa aken. I walked for a little hanggang nakarating ako sa convenient store.Sa dinami dami ng lugar at pagkakataon, bakit kaya paulit-ulit akong sinasampal? Bakit nandito yang Claire at Mikael na yan? Shet talaga!
Pumasok ako sa store, bahala na ang aking fats! I need my fresh milk right now! Nobody mess up with a hungry Deatyl!
Nang akmang pumipila na ako sa counter....Look who's here mahal! Your bestfriend kuno! Hahaha!
Tang na this! Someone stop me kung hindi lalamunin ko tong malanding Claire na to. At nagsama pa ng laughing audience na! Buti may dessert! Hindi sana ako tatalikod sa kanila pero patuloy pa din ang pambully nila sakin. Dalawang tao pa De, at makakaalis kana. Konting tiis lang...
Yes ako na!Tyl, pwede pasabay ng amin ni Kurt? Humaygad! Nagulat ako sa naglagay sa counter. Si Francis at kasama niya si Kurt! Natahimik ang grupo nina Claire. Si Mikael naman halatang insecure sa dalawa kasi parang tumutulo ang laway ng Mahal niya kay Francis.
Sure babe! Moment ko to at lulubusin ko na! Hahaha! Mainggit kayo mga bes!
Ako na magbabayad. Sabay na bigay ng credit card saken. Haha! Ano bayan guys, mas lalo silang maiinggit niyan eh. ~^O^~
Kinuha ko ang credit card ni Kurt. At si Francis naman pinadala ko ng pinamili namin. Hinablot ko agad ang braso ng dalawa at sabay flip ng hair at kumembot ako sa paglakad palabas. Ganyan lang Claire, mainggit ka ng bonggang bongga! Dinala ko ang dalawang lalaki sa lobby ng makarating kami sa building ng condo. Salamat sa inyo ha. Hmmmm. Sige na nga tara na sa unit ko, ipagluluto ko kayo ng breakfast marami na ata akong utang sa inyo.
I prepared breakfast para sa aming tatlo. They insisted to help pero tinanggihan ko ang helping hands nila. Bisita ko sila kaya they need to relax in my little home. Hindi man kalakihan ang studio-type condo unit ko but I tried to put on things little by little hanggang sa maging super cute hello kitty world ito. Hi sa mga Hello Kitty Lovers jan! ❤❤❤
I cooked french toast, pancakes, scrambled eggs, and cucumber salad. After I served the food sa dining table ay inaya ko na si Francis at Kurt.
Pag pasensyahan niyo na ang tirahan ko ha. Maliit lang pero okay lang dahil ako lang naman ang nagsstay dito. Cge kain lang wag kayo mahiya ah.
Francis ate alot while Kurt was a lil bit shy pa ng konti. I don't know the reason why I feel comfortable with them even without knowing what intentions they have for me.
Bakit nga pala kayo nandun sa store kanina? Mag jowa ba kayo?
Nabilaukan si Francis at pati na rin si Kurt ay napangiti. Ang charming ni Kurt lalo na may dimples sa both side ng face niya. Si Francis naman ang cool na parang joke yung expression niya.
Actually, I have a meeting sa katabi ng convenient store kanina, what a coincidence at nakita ko tong si Kurt na pumasok doon. I forgot to tell him something kaya sinundan ko siya. Then we saw you there with the bunch of loosers. Kurt
"Eh ikaw naman Francis, ano sadya mo dun?"
"I was on the road ng makita kitang hingal na hingal patakbo sa store kaya sinundan kita. Mukha kasing maputla ka eh konsensya ko na yun kung mapano ka at hindi man lang kita natulungan noh."
"Ay wow! Ang thoughtful niyo naman guys. Pero maraming maraming maraming salamat talaga. Pero bakit niyo ba ako sinundan sa club?"
Francis: Sinabi kasi ni Karen kaya gusto kong makisabay. Wala din naman akong gagawin kagabi eh.
Kurt: To comfort you. I really don't like seeing girls crying over a man. I'm really protective at sensitive sa mga bagay na ganyan because my mga kapatid akong babae.
Bago pa man ako maiyak sa pagkakatouch ng intentions nila ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Huhuhuhu! Guys uuwi ako ng probinsya today. May sakit daw ang nanay ko eh. Pasensya na ha. Iwan niyo nalang ang contact numbers niyo sa aken para man lang makabawi sa inyo. Emergency lang talaga to malubha na daw si nanay baka hindi ko pa siya maabutan."
Hindi na nagmatigas ang dalawang binata at ako'y nag impake ng ilang damit tsaka nagmadaling umalis.