Chapter 8

7 1 0
                                    

P.O.V - Francis

Tatlong araw na at wala parin akong balita kay Deatyl. I tried calling her, waiting for hours sa condo niya pero wala paring Deatyl ang nagpaparamdam sa akin. Was she that mad? Napuno ba siya at napikon sa pang bully ko sa kaniya? Pano kasi ang chubby ng cheeks niya kapag natatawa kaya lagi ko siyang inaasar. Unang kita ko palang sa kaniya ay sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na to iiyak dahil sa isang lalaki. Hindi siya sexy tulad ng ibang babae jan but there is something special sakanya na nakakuha ng attention ko. Wala akong ka close na babae, not even a sister but I have this one girl na hinahanap, the girl who was my first friend.

Bata, okay ka lang?

Ah eh Oo okay lang ako.

May sugat ka. Tatawagin ko lang si yaya.

Wag na. Kaya ko to. At saka malapit lang bahay namin dito.

Samahan na lang kita pauwi. Tatakas ako sa kanila. Tara!

Tumakbo ang dalawang bata palayo sa park hanggang sa makarating sila sa isang maliit na kubo.

Neneng, ikaw na ba yan?

Bahay niyo to?

Oo. Maganda diba? Palagi ko linilinisan to. Mano po nay. Mag mano ka sa nanay ko.

Ginaya ng bata ang pag mano sa babae. Mukhang hindi niya alam ang ganoong bagay kaya parang curious siya sa lahat.

Sino siya Neng?

Ay ako po si Fra...Fff.. Franco Maam. Nakita ko ho kasi yung batang nadapa kaya sinundan ko siya pauwi.

Ay wag mo na akong tawaging Maam hijo. Nanay nalang total magkaibigan naman kayo ni neneng. Bagong lipat kayo?

Ang totoo niyan nay ay. Tinakpan ng batang lalaki ang bunganga ng batang babae para pigilan ang pagsumbong niya na tumakas siya sa kaniyang yaya.

Hindi po. Malapit lang ang bahay bakasyunan nina Dad dito eh kaya napasyal lang din ako. Busy din sila sa trabaho.

Oh siya. Kumain na kayo mukhang gutom na gutom kayo eh.

Eto ang unang beses na may kasama ako sa pagkain na maingay, puno ng galak, for short MASAYA. Umuwi ako ng hotel na tinutuluyan namin at alalang-alala ang yaya ko at baka masesante siya sa ginawa ko. Mabuti na lang at wala pa si Dad kaya safe kaming lahat.

Apat na araw din ang pag gala ko kasama si neneng at nanay niya. Mabuti na lang at ka konchaba ko si yaya. She even liked talking to nanay when we go around together with neneng. Simple lang ang kanilang way of living. Dito ko natikman ang iba't-ibang gulay at nakasalamuha sa mga ganitong klaseng tao. This is way different on where I live. I am only 7 years old but I was raised to be an adult. How I move, how I interact and communicate with people. Pero the real happiness is seen not in material things but on how family and friends bond. Sa apat na araw, I learned from neneng and her nanay that money can't buy happiness. Kahit na walang-wala sila compared to my family, they still manage to smile. Makikita mo ang gusot2x at worn out na damit nila but they don't even mind it. They live in a bahay kubo, I live in a mansion. They have pet cats and askals, we have persians and huskys. We have meat, they have vegetables. This is where I realized that I've been in a chaos and sad world wherein I have everything that they can barely have. Neneng opened my eyes to be simple and thankful kahit sa maliliit na bagay. So I promised her na sa susunod na magkita kami ay bibigyan ko siya ng mga bagay na meron ako para mabayaran ko man lang ang kabutihan na ipinakita nila sa akin.

Nang makauwi kami sa manila I looked at our picture together. Mas matanda si Neneng sa akin ng 1 year pero tinatawag niya akong Kuya. She was so childish, carefree, and such a happy kiddo. Nakakatawa man but I felt a special bond between us that I'll never forget.

Honey & MunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon