Chapter 19

3 1 0
                                    

"Hello Tyl. Balik ka ba dito? Ngayon ang alis ni Kurt."

"Hayaan mo na yun munch. For sure kasama na niya ang magiging fiance niya."

"But...."

Pinutol ni Deatyl ang tawag ko sakaniya at hindi ko na natanong kung ano ang nangyari sa kaniya. I rushed to the airport to meet Kurt.

"Pare. What time ang flight mo?"

"6pm pa bro."

"So ano ba talaga ang nangyari dun sa probinsya nila?"

He looks sad. At si Deatyl ganoon din base sa boses niya over the phone. I need to do something to save our friendship even if it means risking my own sake.

Naikwento ni Kurt ang lahat ng nangyari at pati rin ako ay nainis sa nalaman ko, not with my bestfriends but with one certain person who wants to destroy our friendship.

---

Deatyl's P.O.V

I'm sitting on my swivel chair sa opisina ko at tinitignan ang mini cabinet na puno ng pictures namin nina Francis and Kurt, mga regalong pinadala nila nung mga nagdaang okasyon sa loob ng tatlong taon. Kamusta na kaya sila?

"Welcome home baby."

Bati ko sa kasintahan kong si Ino, anak siya ni Sir Ryan na manager namin noon sa Blue jays na pinagtatrabahuhan ko noong college pa ako.
He kissed me deeply and muntikan na kaming mahulog sa couch sa likuran ko.

"Dahan2x lang babe. Halatang-halata talaga na namiss mo ako eh."

He gave me a kiss in my neck and kumalas sa akin. He changed at hus closet at ako naman ay hinanda ang dinner namin.

"So what's our plan baby?" Malambing na tanong ko sa kaniya.

"Oh, dahan2x sa carbs Baby. You don't want to be bloated sa araw ng engagement natin diba?" As I was digging out the carbonara he gave me a warning look. Naalala ko pa nung unang date namin ni Ino. He ordered me a slimming tea and unsalted chicken. At dito nagsimula ang Diet 101 ni neneng.

"Bakit, hindi mo ba ako mahal kung bumalik ako sa Dating Piggy Deatyl ?"

"Ang tanong baby, do you want that old deatyl back?"

He didn't answer me about love instead about the old me. Masaya naman ako noon sa katawan ko, naalala ko tuloy ang dalawang bff ko na kahit mataba ako ay naging tunay sila sa akin.

"Babe, okay na ba ang lahat ng na-invite sa engagement?"

"Yes baby, may dalawang tao pa akong hindi na iinvite."

"Hmmm. Let me guess, Kurt and Francis?"

"Yes babe. After that wala na, babalik ulit sa dati."

"No it's okay. I wanted to meet them personally. Besides bestfriend mo sila diba. Pagbibigyan kita ngayon."

Kumislap ang aking mga mata nang sumang-ayon si Ino sa akin. It's been three years that I haven't seen my bestfriends. Kurt and Francis, here we come!

Honey & MunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon