HUWAG! Stop please!
Oh Deatyl good thing your awake. Nanaginip ka lang Dea!
KURT! Huhuhuhu!
Inakap ko si Kurt at humagulgul ng malakas. Parang na trauma na ako sa ginawa nina Claire sa akin. My intention was to forgive Mikael and start over as good friends but what they did was terrible and awful!
What happened? Pano ako napunta rito Kurt?
Naikwento niya ang buong pangyayari. Kaibigan pala ni Francis ang tumulong sa akin. Big time nga talaga ang kaibigan ko, pati anak ng Mafia na kilala sa MEU ay ka close niya. Buti nga kina Claire at naturuan din sila ng leksyon. Pero nasabi ni Kurt na naabutan niya lang ay binubuhat ako ni Francis tapos nag collapse siya. Buti nalang at andun si Kurt para dalhin kami sa ospital. Pero nasaan na si Francis?
Nag collapse din si Francis? Napaaway din ba siya Honey?
Relax lang Dea. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ay nagpahinga muna siya saglit. Nasa kabilang kwarto lang siya honey.
Pinilit ko si Kurt na samahan ako sa room ni Francis. Pagdating namin sa loob ay umupo ako sa bed niya at pinagmasdan ng malapitan ang mukha niya.
Tulog pa siya Kurt. Ang pogi niya noh? Kaso lagi niya din ako binubully.
BOO!
Ay anak ng monggoloid!
Francis naman eh! HMP!Oy Munch! Kahit na binubully kita mahal kita noh! Kaya nga linigtas kita sa mga losers na yun.
Wow mahal niya ako! Haba naman ng hair ko sa kili-kili ! Pero seryoso, thank you bestfriend ha.
Wag ka sa akin magpasalamat lang. Magpasalamat ka din kay Kurt. Kung hindi sa kapatid niya eh hindi namin malalaman ang balak gawin ni Claire sayo. Buti nalang din at hindi kami nahuli at pag may nangyaring masama sayo ihanda na nila ang libingan nila because they don't know kung sino ang kinakalaban nila.
Huh? Hindi ko gets. Panong?
Yung kapatid ko kasi na babae nag kwento sa akin. Ang sabi niya narinig niya sa wash room sa mall ang pag uusap ng isang claire at tatlong babae pa, they were laughing because they made a set up daw that would put a mataba girl in danger. Hindi man narinig ng kapatid ko ang pangalan mo but she heard Claire's name na tinatawag sa kaniya. So I remembered you messaged me last night na magkikita kayo ni Mikael. I informed Francis na sundan ka kaagad because nasiraan ako sa daan.
May pagka satanas din yung babaeng yun eh! Ewan ko ba kung anong mali ang ginawa ko sa kanila na humantong sa ganoon ang ginawa nila sa akin.
Maybe they're jealous of you. Lalong lalo na si Claire. Sa susunod na saktan ka pa niya tawagan moko agad. And we don't want you to see that Mikael again.
Tama si Francis Dea. Pahamak lang ang dala ni Mikael sayo. You shouldn't see him from now on.
Okay. Okay. Daig niyo pa ang isang tatay sa pag sermon sa akin! Tara na umuwi na tayo. Magpapahilot pa ako ng paa ko.
Sa hospital na kami nagpalopas ng gabi at kinabukasan hinatid nila akong dalawa.
Grabe naman kasi bigat netong si Deatyl eh! Kaya naman nag collapse ang katawan ko !
Hays! Umpisa nanaman Francis. Totohanin ko na talaga ang pagtampo sayo. Bakit ba kasi binuhat mo ako eh alam mo naman na mabigat ako!
Nawalan ka kasi ng malay Tyl so no choice ako. Ayaw mo nun mas maganda yung exit natin sa eksena. Buhat2x ng bida ang leading lady na.
We're here!
Hindi na masyadong masakit ang paa ko dahil na cold compress naman ito sa hospital kagabi. Nagpahinga ako pag dating ko sa unit ko at umalis din ang dalawang knight and shinning armor ko.